top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mister, kahit todo-suyo pa… CARLA, 'DI KAYANG MAPATAWAD SI TOM

BULGAR
Mar 19, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | March 18, 2022



At the rate things are going, mukhang malalim ang dahilan ng hiwalayang Carla Abellana at Tom Rodriguez.


Pinag-uusapan ngayon sa apat na sulok ng showbiz ang mga posibleng dahilan kung bakit nauwi sa paghihiwalay ang kanilang pagsasama matapos lang ang tatlong buwan na sila ay nagpakasal.


Seven years silang magkarelasyon nang magdesisyong magpakasal. Akala ng lahat, perfect for each other sina Carla at Tom at marami ang natuwa nang sila ay nauwi sa altar.


Kaya marami ang na-shocked nang lumabas nga ang balitang naghiwalay na sina Carla at Tom. Parehong tikom ang bibig at hindi nagbigay ng statement ang mag-asawa sa dahilan ng kanilang paghihiwalay.


Puro espekulasyon ang naglalabasang dahilan. At mismong ang tatay ni Carla na si Rey "PJ" Abellana ay hindi alam ang real score sa paghihiwalay ng kanyang anak at ni Tom.

Pero nang magkausap sila nang masinsinan ni Tom, ipinangako nito na gagawin ang lahat upang suyuin muli si Carla.


Pero, sey ng mga netizens, si Carla ang tipo ng babaeng hindi madaling makalimot at magpatawad. Mahihirapan tiyak si Tom na kuning muli ang tiwala ng kanyang misis. Matigas kasi ang loob ng aktres.


Ganunpaman, tuloy pa rin ang buhay kahit nagkahiwalay sila ni Tom. Hindi siya nagmumukmok at nagse-self-pity. Hindi naaapektuhan ang kanyang career at abala siya sa paghahanda sa bagong project na ibibigay ng GMA sa kanya.


May special guest appearance si Carla sa Voltes V Legacy. Gaganap siya bilang si Dr. Mary Ann Armstrong.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page