Mister, haggard at bagsak ang katawan… HEART, TODO-RAMPA ABROAD, NAPAPABAYAAN NA SI CHIZ

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | April 1, 2022

Kapansin-pansin ang pagpayat ni Gov. Chiz Escudero at haggard na haggard na ang kanyang hitsura. Humpak na ang kanyang pisngi at halatang pagod na pagod na sa pangangampanya.
Puspusan na ang pag-iikot niya ngayon dahil malapit na ang eleksiyon. Mahigit isang buwan na lang at boboto na ang taumbayan ng mga karapat-dapat na senador.
Bagama't mataas ang rating ni Chiz Escudero sa mga senatoriable surveys, hindi siya nagpapaka-kampante. Patuloy niyang sinusuyo ang taumbayan upang muli siyang bigyan ng pagkakataon na bumalik sa Senado.
May panawagan naman ang mga supporters na nagmamalasakit kay Chiz Escudero. Sana raw ay matutukan at maalagaan ni Heart Evangelista ang kanyang mister dahil mukhang napapabayaan na ni Chiz ang kanyang kalusugan.
Sa halip daw na unahin ni Heart ang pagrampa niya sa Paris at New York Fashion Week, asikasuhin na muna niya ang kanyang mister na si Chiz.
At kahit hindi naman siya inoobliga ni Chiz na tulungan ito sa pangangampanya, responsibilidad ni Heart bilang asawa na suportahan ang kanyang mister sa kandidatura nito.
Damay naman siya sa karangalan sakaling maging senador ulit si Chiz Escudero.





Comments