top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mister, feeling mamamatay na, yaman gusto nang ilipat… ELLEN AT DEREK, PAREHONG NAGKA-COVID

BULGAR
Jul 4, 2022
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 4, 2022



Bentang-benta ang tsika ni Ellen Adarna sa kanyang mga followers tungkol sa naging experience nila ng kanyang mister na si Derek Ramsay nu’ng mag-positive sila sa COVID-19 virus.


Nakakatuwang kuwento ni Ellen, “'Day kay ako, kalma lang talaga, but siya, best in OA. ‘I want to die,’ ganyan, all the drama, ‘Me dying, I’m dying, I’m dying,’ ganu'n siya,” pagbubunyag ni Ellen sa naging reaksiyon ni Derek during her Ask Me A Question sa kanyang Instagram last Saturday.


Bahagi pa raw ng pagiging “Best in OA” ni Derek nu'ng nag-positibo sila sa COVID-19 virus ay ang pagko-consider nito na ilipat na ang lahat ng kanyang pera at pag-aari.


“So, sabay kami, natulog kami, nagpahinga. Limang beses niya ko ginising, just to tell me… ‘I’m dying,’ mamamatay na raw siya, ililipat na raw niya ang kanyang pera at assets,” sabi pa ni Ellen.


Pagpirma sa Last Will and Testament na nga lang daw ang kulang para matupad ang hiling ni Derek.


“Kulang na lang, gumawa ng holographic will na, ‘I’m dying, I’m dying,’ na raw siya, panic attack na siya. Ako naman, masama rin ang pakiramdam ko. ‘Kung mahawahan tayo ulit ng COVID, tatawag na talaga ako ng ambulansiya, bahala na,'” kuwento pa ni Ellen.


Teka, bakit kailangan pa ng kasulatan para ilipat ni Derek ang kanyang kayamanan? Legal wife naman si Ellen, kaya matik na 'yun na mata-transfer sa kanya at sa anak ni Derek sa ibang babae na si Austin ang lahat ng properties at assets nito.


Unless, may prenup agreement sila na nagsasabing ang kayamanan ni Ellen ay pera lang niya at ang kayamanan ni Derek ay para rin lang sa kanya.


Although, keri naman ni Ellen na ‘di na maghabol sa anumang yaman ni Derek, deevah?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page