top of page

Mister, ‘di raw komportable na wala siya… VICE AT ION, DAPAT PACKAGE DEAL SA ENDORSEMENT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 20, 2025



Vice at Ion Beautederm

Photo: File / VIce at Ion / Beautederm



First time na magkasamang ipinakilala bilang brand ambassadors ng isang produkto ang mag-asawang Vice Ganda at Ion Perez sa ginanap na Beautederm’s Belle Dolls media launch last Monday sa Solaire Resort North sa QC.


Paliwanag ni Vice, ngayon lang talaga sila nagkasama ni Ion sa endorsement dahil mahiyain ang kanyang mister at napapayag lang itong maging endorser ng Belle Dolls dahil nalaman ni Ion na Kapampangan din ang CEO at president ng Beautederm na si Ma’m Rhea Anicoche-Tan.


In short, naging komportable agad si Ion kay Ma’m Rei lalo’t kilala rin niya ang iba pang brand ambassadors ng Beautederm na sina Darla Sauler at DJ Jhai Ho.


Masayang kuwento nga ni Vice tungkol sa mister, “Over time, over the years, nakikita ko na lang talaga na nade-develop ‘yung confidence niya especially after niyang nag-dance class.”


Nagsabi raw sa kanya si Ion na gustong mag-aral sumayaw at sinuportahan naman ni Vice.


Dagdag pang kuwento ni Meme Vice na obyus na proud sa mister, “Na-boost ‘yung confidence niya. Tumatanggap na siya ng raket. Dati kasi, kahit anong raket, ayaw niya talaga. Hindi siya raraket kahit maganda ‘yung bayad, ayaw niya. Hiyang-hiya siya.”

Natatawa pang hirit ng Unkabogable Star, “Ang saya ko kasi kumapal na talaga ‘yung

mukha niya.” 


Hindi man direktang tinukoy ni Vice pero obviously, base sa kuwento niya, may mga insecurities si Ion kaya hindi ito komportable kapag hindi kilala ang mga taong kasama.

Pero ‘pag may familiar faces daw sa paligid nito, “Lumalakas ‘yung loob niya kasi alam niya ‘Ay, hindi ako hinuhusgahan ng mga taong ‘to.’ Hindi man siya perfect, pero kung may magawa, masabi o maipakita siyang imperfections today, alam niyang safe siya.”


Kaya naman, biniro ni TV Patrol reporter MJ Felipe si Vice na dapat pala ay package deal sila sa endorsement para lagi siyang nasa tabi ni Ion at um-agree naman si Vice.

Anyway, super happy ang Beautederm CEO na si Ma’m Rei Tan dahil dream come true at pinakinggan ni Lord ang birthday wish (Nov. 25 ang exact birthday niya) niyang finally ay makuha nang endorser si Vice Ganda. 


Matagal nang alam ni Ma’m Rei na may mga scholars at tinutulungan si Vice, at tulad niyang president ng Rotary Club Balibago na marami ring scholars na pinag-aaral, nagkakasundo nga naman sila sa kanilang advocacy at mas magkakatulungan pa ngayong nasa Beautederm family na sina Vice at Ion.


Naniniwala rin si Ma’m Rei na dahil isa pa rin si Vice sa mga top celebrity endorsers, malaking tulong ito para mas maipakilala ang Belle Dolls drinks na Collagen Juice Drink Avocado and Kiwi Flavored, Stem Cell Juice Drink na Strawberry Lychee Flavored, Caramel Macchiato Healthy Coffee, at Black Coffee Decaf sa masang Pilipino.




World Vision PH

Photo: World Vision PH Team, World Vision PH Volunteers Joyce Pring-Triviño, at Juancho Triviño, Elizabeth “Betchay” Alviar-Vidanes. VCM The Celebrity Source


TWENTY-FIVE years na sa industriya ang VCM The Celebrity Source at bilang pagdiriwang ng kanilang anniversary, nakipag-ugnayan sila sa World Vision para sa isang outreach activity na nakatuon sa pagtulong sa mga batang nangangailangan at sa kanilang mga komunidad. 


Mahigit 13 taon nang katuwang ng VCM ang World Vision sa pagsuporta sa mga bata at sa paglikha ng positibong pagbabago — labas sa mundo ng entertainment at marketing. 


Pinatunayan ng VCM na ang tunay na tagumpay ay hindi lang nasusukat sa kinang ng mga bituin, kundi sa kabutihang naibabahagi sa iba. 


Sa loob ng 25 yrs., nagsilbing matibay na daan ang VCM The Celebrity Source sa pinakamakabuluhang kolaborasyon sa pagitan ng mga trusted brand at brightest artists sa bansa. Buong-pusong nagpapasalamat ang VCM sa mga tao at kumpanyang naging bahagi ng kanilang makulay na paglalakbay, at sabik nilang haharapin ang panibagong yugto ng pakikipag-ugnayan. 


“As we celebrate 25 years, we’re grateful not just for the success in business, but for the opportunity to be a blessing to others,” ani Elizabeth “Betchay” Alviar-Vidanes, founder ng VCM The Celebrity Source. 


Sa kanilang mahigit na dalawang dekadang karanasan sa brand strategy, celebrity management, at influencer marketing, naging mahalagang tulay ang VCM sa pag-uugnay ng mga brand at bituin. 


Bunga ng kanilang malalim na pag-unawa sa mundo ng showbiz at marketing, nakalikha ito ng mga kampanyang hindi lang nagbebenta ng produkto kundi naghatid ng tunay na kuwento at inspirasyon. 


Kabilang sa mga tumatak at matagumpay na VCM projects ay mga kampanyang kinatampukan nina Robin Padilla para sa Kawasaki at Talk & Text, Anne Curtis para sa Lay’s, Kathryn Bernardo para sa TLC at Zion, Daniel Padilla para sa Pepsi, Alden Richards para sa Sting, Marian Rivera para sa NUWhite, at Luis Manzano para sa Ajinomoto, Regasco, at Rebisco. 


Nakatrabaho rin ng VCM sina Piolo Pascual, Maris Racal, Belle Mariano, at iba pang bituin—patunay sa kakayahan nitong pagtagpuin ang mga brand at personalidad. 


Ang ika-25 anibersaryo ng VCM ay nagbibigay-pugay din sa mga celebrity brand ambassadors na naging bahagi ng kanilang paglalakbay— mga artistang ang talento at integridad ay kaayon ng mga pinahahalagahan ng kumpanya. 

Kabilang dito sina Robin at Mariel Padilla, Jasmine Curtis-Smith, Mikael Daez at Megan Young, Emilio Daez, Joyce Pring-Triviño, at Juancho Triviño, at marami pang iba. 


Nakisaya sa 25th anniversary program ang mag-asawang Joyce at Juancho Triviño, na nagbahagi ng kuwento tungkol sa tiwala sa sarili at paniniwala sa sariling kakayahan. Nakipaglaro rin sila at nakipag-bonding sa mga bata — isang hapong puno ng tawanan, inspirasyon, at pag-asa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page