top of page

Mister daw ang nagsampa ng annulment… HIRIT NI OGIE: MGA SINABI NI CLAUDINE LABAN KAY RAYMART, ‘DI TOTOO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 8, 2024
  • 1 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | January 8, 2024




Wala raw katotohanan ang lahat ng bintang ni Claudine Barretto sa estranged husband na si Raymart Santiago.


Ibinalita ni Ogie Diaz sa vlog nila ni Mama Loi na ayon daw sa kanyang source ay mali lahat ang sinabi ni Claudine against Raymart sa vlog ni Luis Manzano.


“Ang nagsampa raw ng annulment ay si Raymart Santiago,” ani Ogie.


“‘Yung sinasabi ni Claudine daw na 25,000 (pesos) lang ‘yung natira o iniwan sa kanya ay dapat daw i-prove ni Claudine sa korte,” patuloy niya.


“Dahil sa sampu raw na sinabi ni Claudine, ito, ayon sa source ko, ha, ay labing-isa ang mali,” dagdag pa ni Mama Ogs.


Maging ang sinasabi raw ng aktres na walang sustento si Raymart sa kanilang mga anak ay hindi rin umano totoo.


“Nag-file raw noon si Claudine, pero sa piskalya pa lang daw, eh, na-dismiss na. Kasi, napatunayan na nagbibigay naman daw si Raymart. So, hindi raw totoo ‘yung sinasabi ni Claudine na hindi nagsusustento si Raymart,” saad pa ng talent manager-vlogger.


Wala naman daw kasong isinampa si Claudine laban kay Raymart sa korte at ang aktor ang nag-file ng annulment.


Matatandaang sinabi ni Claudine sa vlog ni Luis na ipaglalaban niya kung ano ang kanya at ini-reveal ang malaking halaga na hinahabol niya kay Raymart.


Deleted na ngayon sa vlog ni Luis ang nasabing parte ng interview.


Anyway, sa ngayon ay hindi pa nagsasalita si Raymart hinggil sa isyung ito although nagpadala naman ng statement ang kanyang abogado sa ABS-CBN at pinaalalahanan si Claudine na may gag order na inisyu ang korte sa magkabilang panig.


Nananatiling bukas ang aming pahina para sa pahayag ni Raymart o ni Claudine.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page