Mister daw ang madalas mangalabit… “Alam niya kung paano ako paligayahin" — Marian
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | January 25, 2023

Nagsimula na nga last Monday ang pinakaaabangang comeback show ni Boy Abunda sa GMA-7, ang Fast Talk With Boy Abunda kung saan ang first guest niya ay ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.
Ang saya ng show at sa totoo lang, kulang na kulang ang 20 minutes na duration ng programa. Sa tsikahan segment pa lang ay mabibitin ka na lalo pa nga kung katulad ni Marian na mahusay ding sumagot ang guest.
Sa tsikahan segment, kinumpirma ni Marian na magbabalik na siya sa teleserye ngayong 2023 at hindi next year.
“Talagang hinahanap ko na rin kaya abangan n'yo po ang pagbabalik ko ngayong 2023. Nag-promote? Nag-promote na.”
“So, hindi 2024 ito, ngayong 2023?” tanong ni Kuya Boy.
“Itong year na ito. Totoo na po ito,” pagkumpirma ulit ni Marian.
Sa usapin naman ng marriage life nina Marian and husband, Dingdong Dantes, diretsong tinanong ni Kuya Boy kung sino ang unang nangangalabit sa kanila sa panahon ng pangangailangan.
Pilyang napangiti si Marian at sey niya, “Parang parehas kami,” sabay tawa.
Tanong ni Kuya Boy, “Sino ang mas madalas?”
Mabilis na sagot ni Marian, “Siya! Siya talaga.”
Tawanan.
Dagdag pa ng aktres, napaka-sweet daw talaga ni Dong at sobrang lovable, at higit sa lahat, lagi raw siyang pinapatawa.
“Alam niya kung paano ako paligayahin, literal,” sey ni Marian.





Comments