top of page

Mister, ayaw mapag-usapan… CARLA, SUKANG-SUKA PA RIN KAY TOM

  • BULGAR
  • Apr 9, 2022
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | April 9, 2022



Sa kanyang pagbabalik-trabaho sa teyping ng Pinoy adaptation ng Voltes V Legacy nakatutok ngayon ang panahon ng Kapuso actress na si Carla Abellana.


Ayaw muna niyang pinag-uusapan ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Tom Rodriguez, at ‘yun ang kanyang ipinakikiusap sa entertainment press.


Gusto munang ipahinga ni Carla ang sarili sa stress at problema. Bibigyan muna niya ang kanyang sarili ng panahon upang makapag-isip-isip.


Pagkatapos ng kanyang guesting sa Voltes V Legacy, plano ni Carla Abellana na mag-travel at magbakasyon abroad nang mag-isa. At this point of her life, hindi pa siya handang makaharap-makausap ang kanyang estranged husband na si Tom.

Nagpapasalamat siya sa mga kaibigan at mga kasamahang artista sa GMA na nagparating ng kanilang simpatya at suporta sa kanyang pinagdaraanan ngayon.


In God’s time, naniniwala si Carla na may ibibigay na kasagutan sa kanyang mga tanong kung bakit nauwi sa paghihiwalay ang pitong taon nilang relasyon ni Tom Rodriguez.


Ang tanong naman kay Carla ng mga netizens, may posibilidad ba na patawarin niya si Tom at muli silang magkabalikan?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page