Miss Universe, kahit todo-gaya… HEART, MAS MABENTA SA FANS ABROAD KESA KAY PIA
- BULGAR
- Mar 4, 2024
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 4, 2024

Todo-react ngayon ang mga fans at supporters ni Heart Evangelista dahil sa panggagaya ni Ms. Universe 2015 Pia Wurtzbach sa kanilang idolo.
Sa mga larawan kasi na ipino-post ni Pia sa kanyang Instagram ay kapansin-pansin na magkamukha na sila ni Heart. Hindi na nakapagtataka ito dahil ang dating glam team ni Heart ay nasa poder na ngayon ni Pia. Tanong ng mga fans ni Heart, bakit daw kailangang kopyahin ni Pia ang hitsura ni Heart ganu’ng Ms. Universe na siya? Dapat daw ay magkaroon ng sariling identity-personalidad si Pia at hindi ‘yung nanggagaya lang upang maka-penetrate sa fashion events ng Paris, Milan at New York.
Maging ang paghawak daw ng luxury bags ni Heart kapag rumarampa sa fashion events ay ginagaya rin ni Pia.
Ganunpaman, wagi pa rin si Heart Evangelista dahil siya ang paborito at pinagkakaguluhan ng mga photographers sa fashion events na dinadaluhan niya. At mas maraming fans ang nagpapa-picture at nagpapa-autograph kay Heart.
Tunay daw kasing fashionista si Heart na 7 years nang rumarampa sa Paris, Milan at New York. Kaya naman siya ang kinukuhang modelo ng mga sikat na designers abroad at malaki ang talent fee na ibinibigay sa kanya.
Well, ito kaya ang dahilan kaya gustong makipagkumpitensiya ni Pia Wurtzbach kay Heart Evangelista sa pagrampa abroad?





Comments