Miss U 2015, proud na kasama ang mga international actress… PIA, WORLD-CLASS DAW, PINALAGAN NG KAMPO NI HEART
- BULGAR
- 2 days ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | May 24, 2025
Photo: Pia Wurtzbach - IG
Nag-post lang si Pia Wurtzbach-Jauncey ng photo niya kasama ang South Korean actress na si Kim Ji Won at ang Indian actress na si Priyanka Chopra, naging daan na naman ‘yun para sumigla ang away ng mga supporters nila ni Heart Evangelista.
Tinawag lang na world-class si Pia, inalmahan na at paano raw ito naging world-class?
Pati bangs ni Pia, ginawang isyu at sana raw, hindi ganu’n ang bangs niya. Pati nga ang pagiging Miss Universe ni Pia, kinukuwestiyon.
Isyu rin sa mga bashers ni Pia ang pagdalo niya sa Bvlgari event. Wala na raw ba itong ibang event kundi Bvlgari?
Bash nang bash kay Pia ang mga haters nito, pero ang bina-bash nila, nag-enjoy sa Bvlgari event sa Sicily, Italy, suot ang Bvlgari jewelry.
Sey ni Pia, “Some relationships feel like color. Vivid, layered, and shifting with the light. Here in Taormina with my @bvlgari family, I’m reminded how different backgrounds can reflect something so beautifully shared.”
Sa isa pang post, sabi naman nito, “Living in @bvlgari’s prismatic world. And today, I’m a very lucky girl to be wearing this one of a kind piece from the Polychroma collection.”
Naka-tag sa caption ni Pia si Mark Bumgarner na siyang gumawa ng yellow gown na kanyang suot sa event. Ang ganda nga naman ni Pia sa photos niya, napa-comment ng hearty emojis ang husband nitong si Jeremy Jauncey.
Kung ‘di raw happy sa showbiz, layas na!
ALDEN, UMAMING NA-DEPRESSED, NA-BASH PA
MGA bashers talaga ni Alden Richards, pati ang pag-amin ng aktor na dumaan siya sa matinding depression, hindi pinatawad. Ayaw nilang maniwala na nakaranas ito ng depression dahil maganda naman daw ang career, may mga negosyo at milyones ang kinikita sa pelikula, telebisyon at endorsement.
May nag-comment pa nga na kung hindi siya masaya sa showbiz, iwan niya. May nagsabi rin na walang rason si Alden para magreklamo dahil mas marami ang walang chance na mapabuti ang kanilang mga buhay. Dapat daw, maging grateful ang aktor and count his blessings.
Mabilis ang buwelta ng mga fans ni Alden sa mga bashers nito at pati mga netizens na hindi fans ng aktor, ipinagtanggol siya. Hindi raw namimili ang depression kung kanino tatama at sa halip na i-bash, understanding ang kailangan, hindi lang ni Alden, kundi lahat ng dumaranas nito.
Depensa ng mga fans ni Alden, hindi siya nagrereklamo, naikuwento lang niya ang kanyang pinagdaanan. Hindi rin daw kailangan ng paliwanag sa depression, kaya sa mga hindi nakakaintindi, lubayan daw si Alden.
Marunong lang magdala ng depression si Alden. Nakatulong na that time, busy siya sa Pulang Araw (PA) at sa maraming bagay. Kahit papaano, nalibang siya, pero kapag mag-isa na siguro, ru’n umaatake ang depression niya.
Kaya pala panay ang post nito ng quotation cards at na-bash pa rin siya dahil nagse-shade raw.
Maganda rin na naikuwento ni Alden ang kanyang pinagdaanan at nai-share sa marami.
Nakakatulong din na patuloy siyang busy, araw-araw may ganap at naghahanda na rin sa sasalihang 2026 Tokyo Marathon. Naghahanda na rin siya sa airing ng dance reality series na Stars On The Floor (SOTF) ng GMA-7 na siya ang host.
NADAGDAGAN na naman ang mga awards ni Atom Araullo sa pagkakapanalo ng gold sa New York Festivals TV & Film Awards ng The Atom Araullo Specials PogoLand.
Ayon sa manager ni Atom na si Noel Ferrer, fourth gold na ito ni Atom at ‘yung ibang ginawa niya, hindi man manalo ng gold, may mga napapanalunan pa rin.
Nabasa namin ang pasasalamat ni Atom sa GMA Public Affairs at kay Nessa Valdellon na, “Thanks to your leadership! Congrats.”
Sagot ni Nessa, “Super congrats Alfonso Tomas Araullo!!! It’s so tough to get a Gold Medal at NYF... and yet you have 4! I believe this is a record for a Filipino journalist!”
Abangan natin ang bagong docu ni Atom for GMA Public Affairs pa rin na Baby Makers (BM), airing this Sunday, May 25, 3:15 PM on GMA-7.
Anyway, nanalo ng silver sa same award ang Firefly sa Film Feature category at bronze naman ang napanalunan ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) para sa feature ng mining sa Homonhon.
Kommentare