top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Miss na miss nang mag-host uli… BOY, NA-PARANOID NANG MAGSARA ANG ABS-CBN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 22, 2022
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | November 22, 2022



Kakaibang experience para sa King of Talk na si Boy Abunda ang naranasan niya nu'ng nagkaroon ng COVID pandemic sa buong bansa. Kamakailan lang niya ito ibinahagi nang makaharap ang ilang media friends.


Dahil gusto niyang masiguro ang kanyang kaligtasan at mabuting kalusugan, umuwi at nagtago siya sa kanilang bayan sa Samar. Pagkatapos ay nagpalipat-lipat sa kanyang farm-resort sa Tagaytay at Lipa, Batangas.


Ganunpaman, dahil nakasanayan na niya ang trabaho sa telebisyon at ang kanyang pag-i-interview ng mga kilalang personalidad, hinahanap-hanap niya ang dating ginagawa.


Nag-aral siya kung paano gamitin ang social media platform tulad ng FB, YouTube, Instagram, Twitter at TikTok.


Nagustuhan niya ang TikTok dahil du'n niya nagagawa ang kanyang mga interviews.


Naging abala rin si Abunda noong panahon na medyo maluwag na sa COVID restrictions. Nagturo siya online at nagho-host sa mga conventions. Nagho-host din siya ng awards night virtually.


Aminado si Boy Abunda na naging paranoid siya noong magsara ang ABS-CBN. Pero natuto siyang mag-adapt sa mga pagbabagong nagaganap ngayon sa mundo ng telebisyon.


Gusto nang balikan ni Boy ang pagho-host sa TV. Sabik na siyang mag-interview ng mga malalaking personalidad sa showbiz at iba pang larangan.


Ang inaabangan ngayon ng lahat ay kung saang network mapapanood ang King of Talk sa muli niyang pagbabalik-telebisyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page