Mismong cam girl, lumantad… MOVIE NG VIVA, GUSTONG GAWING LEGAL ANG MGA P*KPOK SA 'PINAS
- BULGAR
- Jul 10, 2022
- 3 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | July 10, 2022

True-to-life ang kuwento ng pelikulang Kitty K7, ang launching movie ng Vivamax sexy star na si Rose Van Ginkel bilang sex worker o tinatawag na cam girl kasama sina Jean Kiley at Marco Gallo na idinirek ni Joy Aquino at line produced ng Project 8 nina Direk Dan Villegas at Antoinette Jadaone for Viva Films.
Sa private screening ng Kitty K7 ay humarap sa media ang tunay na cam girl, si Salome Salvi na halos hindi makapagsalita dahil saktung-sakto raw ang ibinahagi niyang kuwento ng buhay niya sa sumulat ng script na si Pam Miras.
Ipinakita ng karakter ni Rose Van bilang si Hana ang pinagdaraanan ng cam girl o sex worker dahil hindi nga tanggap dito sa Pilipinas ang ganitong uri ng trabaho at considered pang illegal kaya naman puro pambabastos at panlalait ang natatanggap nito sa mga taong hindi siya naiintindihan.
Itinaboy din si Hana ng sarili niyang pamilya, bagay na nangyari sa totoong buhay ni Salome kaya sa ngayon ay hindi sila okay ng pamilya niya.
Kaya naluluha si Salome sa ginanap na screening dahil wala ang nanay niya, samantalang halos lahat ng kasama sa pelikula ay bitbit ang kanilang ina, maging sina Direk Joy at Dan na present din ang kani-kanilang mom.
Nang hingan ng reaksiyon si Salome nang mapanood niya ang Kitty K7 ay halos hindi siya makapagsalita.
“So overwhelmed and I didn’t like to go into this. It’s like very happy that it’s really important that my work and ‘yung humanity ng sex workers was represented fairly.
"And I feel like, parang ‘yun ang pinaka-na-communicate ng film sa akin na, yes, we are human like we are putting out a commodity that is very wanted, like everyone wants sex, everyone wants to see sex, everyone wants to make porn, pero a lot of people really forget that it comes from a real person with emotions.
"And I thought that it was important din that we have shown the dangers that we face and illegal nature, the harassment that we face from the followers and fans and the people that we meet on the street, and how badly stigmatized it is — that the stigma actually rips families like what it did to me.
"I was actually really surprised how much the details of my story made it to the film, especially the scene where I started exploring my sexuality with the photographer as well and the way that parang naghiwalay kami ng nanay ko, ganu'n na ganu'n.
"I don’t know how much of me I shared with Pam, but it was like, yeah, it is that painful and I like… It’s so important to me that this film is out there and is telling everyone like yeah, meron kaming humanity that people often forget because they always feel that there’s a separation between the product that we put out versus us the workers,” mahabang paliwanag ni Salome.
Isa rin sa mga goals ng Kitty K7 movie ay para ma-push ang decriminalization o maging legal ang sex workers tulad sa ibang bansa.
Kabilang si Salome sa organisasyong Philippine Sex Workers Collective, activist group na ang goal ay maging legal nga ang kanilang trabaho.
Ano naman ang masasabi ni Salome sa pagganap ni Rose Van Ginkel bilang si Hana na cam girl?
Tumingin si Salome kay Rose, “It was really moving, ha, ha! The performance of the two leads was really moving. It really touches your heart.”
Hiningan naman ng reaksiyon sina Rose at Marco kung mako-consider na ‘dirty job’ ang pagiging cam girl, base na rin sa linya ng nanay ni Kitty K7 na ginampanan ni Dolly De Leon na marumi ang trabahong ito.
“For me, hindi, kasi open-minded ako sa mga ganu’ng klaseng bagay na may iba’t iba tayong opinyon sa bawa’t sitwasyon at kung saan ka masaya at wala ka namang inaagrabyadong tao,” opinyon ni Rose.
At si Marco, “I think 'dirty' is a judgment. For me, dirty is people who killed people not someone that puts food on the table.”
Sabay kuwento ni Marco ng mga nakilala niyang tao sa Amerika na may ganitong klase ng trabaho at masasaya silang lahat dahil sila ang nasusunod kung ano ang gusto nilang gawin.
Kasalukuyang palabas na ang Kitty K7 sa Vivamax at sa ibang bansa.




Comments