Misis, todo-shopping, 'di na kinaya… CHIZ KAY HEART: MAKUNTENTO KUNG ANO'NG MERON!
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | January 16, 2022

Sa bagong vlog ng mag-asawang Heart Evangelista at Gov. Chiz Escudero (part 2 ng Adulting 101), maraming words of wisdom at kaalaman na nai-share ang dating senador.
Although napaka-candid at kaswal ng kanilang pag-uusap at discussion, mai-impressed ka sa lawak ng kaalaman ni Gov. Chiz. Magaling siyang financial adviser ni Heart dahil natuto na ang aktres na mag-invest ng kanyang kinikita sa mga properties at negosyo.
Madalas na pinupuna ni Gov. Chiz ang sobrang hilig ni Heart sa pagbili ng mga branded bags, sapatos, damit at mga alahas. Kaya, pinapayuhan niya ang aktres na matutong mamuhay nang simple lang at makuntento kung ano ang meron ito.
Pero, dahil sariling pera naman ni Heart ang kanyang ibinibili ng mga branded na gamit, hindi mapagbawalan ni Gov. Chiz ang kanyang misis.
Katwiran naman ni Heart, ang mga branded at designer bags and shoes ang nagpapasaya sa kanya. She worked hard para kumita at mabili ang mga gusto niya. Bale reward na niya ito sa kanyang sarili.
At bata pa si Heart ay talagang mahilig na siyang mag-shopping at magsuot ng mamahaling gamit. Kaya naman, para wala na lang away, hinahayaan na lang ni Gov. Chiz ang mga hilig ng kanyang First Lady.
Ipinagpapasalamat at ipinagmamalaki ni Gov. Chiz na ang kanyang kambal na anak ay hindi mahilig sa mga branded at mamahaling gamit. Sanay daw ang mga ito na mabuhay nang simple lang. Pero si Heart, ipinamimili sila ng mga branded na gamit.





Comments