Misis, pinagdududahang buntis… MATTEO: 38TH B-DAY NI SARAH, BEST YEAR EVER
- BULGAR

- 2 hours ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | July 27, 2026

Photo: IG _matteog
Birthday ni Sarah Geronimo noong July 25 at masayang binati ni Matteo Guidicelli ang kanyang misis.
Aniya sa kanyang Instagram (IG) Stories, “Happy birthday, my love! This will be the best year ever,” kalakip ang red heart emoji.
Dahil dito, marami ang nag-speculate na buntis na si Sarah. Kapansin-pansin ang ilang komento ng mga netizens.
“Ohhh, buntis na?”
“Happy birthday, SGG (Sarah Geronimo-Guidicelli), literally +1 na ba? Saw a clip on X (dating Twitter).”
“Manifesting... to be manifested.”
“Happy birthday, our queen, and congratulations in advance!”
“Happy birthday @justsarahgph. ‘Best year’ as in your birth of a child? Hopefully.”
“Yes! Mini Sarah soon!”
“Sana, may maternity shoot soon.”
"Beautiful mommy Sarah."
Kasama ang pamangkin…
BEA, NAGIMPAKE NA NG MGA GAMIT
Nag-uumpisa nang maglipat si Bea Alonzo sa kanyang bagong tahanan.
Ibinahagi niya ito sa kanyang Instagram (IG) Stories.
Ilang kahon ang makikitang nakaempake habang naghahanda siya sa paglipat.
Ipinakilala niya ang kanyang batang pamangkin bilang kanyang ‘little helper’.
Ang kanyang mga update ay nagbigay sa mga fans ng isang nakaaantig na sulyap sa isang abala ngunit hindi malilimutang araw.
Hindi isiniwalat ni Bea kung saan siya lilipat o kung ano ang nag-udyok sa paglipat.
Sa halip na mag-post ng mahabang paliwanag, pinaikli ni Bea ang kanyang mga update at hinayaan ang mga larawan na magsalaysay ng kuwento.
Pinili rin ng aktres na huwag nang magbahagi ng karagdagang detalye tungkol sa paglipat, kung ito ay pansamantala o permanente.
Haka-haka ng mga netizens, baka raw tuluyan na siyang lumipat sa condo ni Vincent Co, ang kanyang mister, o may bago na silang property na titirhan.
BINATIKOS ng international singer na si Katy Perry ang White House matapos gamitin ang kanyang hit na Firework bilang background music sa isang TikTok (TT) video na may kaugnayan sa U.S. military strikes sa Iran.
Ayon kay Perry, ‘deeply appalled’ siya o labis na nabigla, nadismaya, o nandidiri sa isang bagay dahil itinuturing itong mali. Sinabi rin niyang tila ‘weaponized’ ang kanyang awitin. Ibig sabihin, ginamit ito sa paraang sumusuporta o nagbibigay-diin sa isang mensahe tungkol sa karahasan at aksiyong militar, na taliwas sa layunin ng kanta.
Ang Firework ay kilala bilang awiting tungkol sa pag-asa, pagpapalakas ng loob, at pagdiriwang ng sariling halaga.
Dahil dito, iginiit ni Perry na hindi niya sinasang-ayunan ang paggamit nito sa konteksto ng digmaan o karahasan.
Sey ng mga netizens:
“She can sue?”
“‘Di mo kasi kapartido at ‘di bayad ang pag-play.”
“Artists should have control of how their material is used for political propaganda.”
“She sold her songs to the highest bidder in 2023. She has no say now.”
“I wonder if she was even told about the embassy hostages Iran took when they invaded America in 1979.”
“Let’s see... The rights to Katy Perry’s song Firework are owned by Litmus Music, along with the original co-writers and publishers who share the underlying composition. Katy Perry sold her stake in her master recordings and music publishing catalog to Litmus Music in
September 2023 for $225 million.' You didn't care enough to keep it in your domain? So STFU and cry into your $225 million.”
“Nakakadiri!”
“Katy, baka gusto mong kausapin ang music label mo, ‘di ang White House. ‘Di sa ‘yo ang musika mo, pagmamay-ari ito ng music label mo.”
“Itinampok din ang kanyang kanta sa The Interview, ang pelikula tungkol sa pinuno ng North Korea na si Kim Jong Un. Isa itong kathang-isip na pelikula, s’yempre, ngunit alam mo kung paano madalas na pinipili ang musika upang tumugma sa tema at tono ng isang bagay.”
“Don’t put the song on TikTok if you don't want it used.”
Ganern?

%20-%20VICE%2C%20BINUGAHAN%20NG%20TUBIG%20SA%20MUKHA%20ANG%20BABY%20DOLLS%20MEMBER%2C%20NA-BASH%2C%20T.jpg)



Comments