top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Misis, obyus na malaki ang tiyan… MATTEO: MALUSOG LANG SI SARAH, 'DI BUNTIS

BULGAR
Mar 6, 2022
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 6, 2022




Nama-marites ngayon ang wifey ni Matteo Guidicelli na si Sarah Geronimo.

May nakapansin kasi sa suot na dress ng Pop Star na mukhang may baby bump ito. Meaning, maumbok ang tiyan ni Sarah.


Kaya, maraming netizens ang nagtatanong kung preggy daw ba ang singer-actress.

Once and for all, sinagot ni Matteo ang tanong.


Nakapanayam ni MJ Felipe ang singer-actor-TV host at sinabing malusog lang daw talaga ngayon ang kanyang misis.


Sa ngayon ay busy daw silang mag-asawa sa kanilang business. Nawiwili rin daw ang Popstar Royalty sa pagbe-bake ng cake.


"She's amazing," ani Matteo.


Two years pa lang naman daw silang kasal ni Sarah kaya hinahayaan muna niyang i-enjoy ng kanyang misis kung anuman ang pinagkakaabalahan nito ngayon.


Marami na rin ang nakaka-miss sa Popstar Royalty at nanghihinayang sila na matagal nang hindi gumagawa ng movie ang aktres.


Sabi ng isa, "I love Sarah G. because she's a good actress surprisingly. I have seen her act in the movie My Granny on Netflix, but her career is now nowhere to be found."


Pagtatanggol naman ng isa pa, "Lol, nagpahinga lang siya. 'Wag kang mag-alala kasi babalik na siya."


"Hopefully, few more years pa bago siya magbuntis. Don't pressure her kasi ngayon pa lang siya nagkaroon ng freedom, eh."


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page