Misis ni Sen. Chiz, proud na proud… "LAHAT NG NAKA-ONE-NIGHT STAND KO, NAGIGING KAMI!" — HEART
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | May 18, 2022

Okay pala kay Heart Evangelista ang one-night stand o tinatawag na ONS.
Ang magandang paliwanag ng wifey ni presumptive Senator Chiz Escudero ay may mga experiences siyang ganito noong kabataan pa niya na inamin niya sa Sagot O Lagot Challenge sa YouTube vlog nito.
“What would I be without these guys? It’s always fun when I have the whole Heart squad!" sabi sa vlog ni Heart.
“On this episode, we take a trip to beautiful Balesin, where it was all about bonding, sharing laughs, and beating deadline.”
Aniya, masasabing one-night stand ang nangyari na nauwi sa relasyon nila ng ex-boyfriend niya na hindi binanggit ang pangalan.
“I guess it was considered a one-night stand. Naging kami eventually. Lahat ng naka-one-night stand ko, nagiging kami,” pagtatapat ng aktres-cum fashion icon-vlogger.
At ang huli ay nakipag-date siya sa lalaking 10 years ang tanda sa kanya.
“Pinakasalan ko pa nga, eh,” masaya nitong sagot.
Siyempre, si Senator Chiz Escudero ang huling naka-date ni Heart.





Comments