top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

Misis ni Sen. Bong, umamin… CONG. LANI, HIRAP MAKATULOG DAHIL SA PINAGDARAANAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 18, 2023
  • 2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 18, 2023



'Kaaliw ang mag-asawang Sen. Bong Revilla, Jr. at Bacoor, Cavite Congw. Lani Mercado dahil todo-flex ang aktor-senador sa chikahan niya with the press people kahapon ng kanyang mas toned body at proud na proud siyang mas fit siya ngayon.


Tanong nga namin kay Cong. Lani, kinakabahan na ba siya 'pag gumaganda ang katawan ng mister at nagiging mas young looking?


Pagsakay naman ng equally young looking at byuting aktres-cong., kinakabahan siya pero sinasabayan niya ang pagwo-workout ni Sen. Bong para it's a tie. In fact, in 1 month nga raw, pumayat na siya ng 6 lbs.


Sabi ni Congw. Lani, kailangan na rin niyang mag-ingat sa health niya lalo na't hirap pala siyang mapagkatulog ngayon dahil nagme-manopause na siya.


Samantala, proud naman si Sen. Bong na all natural ang pagpayat niya, walang steroid o stem cell procedure. Regular daw ang workout niya at feeling niya ay mas maganda pa ang katawan niya ngayon kesa noong younger years niya.


Biniro nga namin si Sen. Bong na pang-Vivamax na ang body niya ngayon at natatawa niyang naalala na nagawa na raw niya ito noon sa pelikula nila ni Assunta de Rossi kung saan nagpakita siya ng puwet.


Pero sa edad niya ngayon, si Congw. Lani na ang nagsabing hindi na ito bagay kay Sen. Bong dahil baka mawala ang respeto sa kanya ng lahat. Hahahaha!


Of course, joke-joke lang 'yun dahil knows naman naming pang-wholesome films si Sen. Bong at in fact, soon ay may gagawin silang movie ni Jillian Ward.


Oh, bago pa i-bash si Sen. Bong, lilinawin na naming mag-ama ang role nila na mala-FPJ at Judy Ann Santos sa Isusumbong Kita sa Tatay Ko at hindi bilang love interest, 'no!


Lagot Ka sa Tatay Ko ang naiisip na title ni Sen. Bong sa movie nila ni Jillian at isisingit niya ito habang naka-season break ang action series niya sa GMA-7 na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis na finale episode na sa Linggo, Aug. 20, 7:15 PM.


Hindi pa sure if October or February next year na ang pagbabalik ng Season 2 ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, basta ang tiniyak ni Sen. Bong ay marami silang bagong ipapasok dito na dapat abangan.


So, don't miss the finale episode this Sunday ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, pati na ang bonggang pa-giveaways ni Sen. Bong sa kanyang FB Live bago ang airing ng show kung saan uulan na naman sa dami ng big prizes.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page