Misis ni Matteo, naloka… REGINE KAY SARAH SA BIG DOME: 'DI KA NA VIRGIN?!
- BULGAR
- May 14, 2023
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | May 14, 2023

Isa sa mga special guests ni Sarah Geronimo sa kanyang katatapos lang na 20th anniversary concert na ginanap nu'ng Biyernes ng gabi, May 12, sa Araneta Coliseum ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez.
Malaki ang naging parte ni Regine sa buhay ni Sarah kung bakit naging singer ang huli.
Si Sarah kasi ang nag-grand champion sa singing contest na Star for A Night kung saan si Regine ang host nu'ng March, 2002 hanggang March, 2003.
Ayon kay Sarah, tatlong beses siyang nag-audition sa Star for A Night, pero hindi siya tumigil dahil inspirasyon niya si Regine para maabot ang kanyang pangarap.
"And after winning Star for A Night, nabigyan po ako ng pagkakataon na mapalapit po sa kanya.
"She has become my mentor and my good friend, na talaga naman pong habambuhay ko po ‘yun ite-treasure at pasasalamatan sa pagkakataon na ibinigay niya sa akin.
"Sinuportahan po niya ako magmula nang gumawa ako ng debut album ko.
"Nag-back-up pa po siya sa akin sa isang song ko at nag-guest din po siya sa lahat ng mga concerts ko," ang pakilala ni Sarah sa Asia's Songbird.
After ng duet ng Popstar Royalty at Asia's Songbird ay si Regine naman ang nagkuwento.
Ayon sa singer, nag-guest din siya sa kauna-unahang concert ni Sarah sa Araneta noong 2005, at masaya siya para sa 20th anniversary ng Popstar Royalty.
Na-shock lang si Sarah nang biglang nagbiro si Regine ng naughty words.
"Gusto ko lang sabihin na landian kayo nang landian. Landian nang landian. Nakakaloka!
Oo, landian nang… Hindi ka na virgin?" ang patanong na biro ni Regine patungkol kay Sarah at mister nitong si Matteo Guidicelli.
Agad na napayakap si Sarah sa misis ni Ogie Alcasid na tila nahihiya sa mga taong nasa loob ng Araneta Coliseum.
Dumagundong naman ang Big Dome sa lakas ng tawanan at hiyawan ng mga manonood.





Comments