Misis ni Marc, 'di nakatiis, nag-post sa IG… DANICA, TODO-HUGOT TUNGKOL SA PAGTATAKSIL
- BULGAR
- Aug 15, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | August 15, 2023

May makahulugang post sa kanyang Instagram account ang anak ni Vic Sotto na si Danica Sotto-Pingris.
Isang very meaningful quote ang ibinahagi ng misis ni Marc Pingris na kinuha niya sa “LifeLearnedFeelings”.
Ang reposted quote ay nagsasaad ng: “Trust is earned, respect is given, and loyalty is demonstrated. Betrayal of any of those is to lose all three.”
Ang tanong, sino kaya ang tinutukoy ni Danica na nag-betray?
As per the quote kasi na ini-repost niya, “Betrayal of any of those is to lose all three.”
Maliban sa quote, may ipinost din ang anak nina Vic at Dina Bonnevie na mga larawan at videos sa kanyang IG Stories. Sa isang video, makikita na kinakandong niya ang kanyang baby, at nakaupo sila sa isang maliit na kubo.
Palaisipan sa mga netizens ang betrayal post ni Danica. May kinalaman daw kaya ito sa pagsasama nila ni Marc? Nag-cheat daw kaya ang basketbolistang mister ni Danica?
Well, tanging si Danica lang ang makakasagot sa kanilang mga katanungan.





Comments