Misis ni Luis, nag-post ng sexy picture… NETIZEN KAY JESSY: MAGANDA ANG PAGKAKARETOKE!
- BULGAR
- Feb 8, 2022
- 2 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | February 08, 2022

Proud hubby si Luis Manzano sa kanyang misis na si Jessy Mendiola dahil sa recent photo shoot nito bilang sexy cowgirl.
Ini-repost ni Luis ang series of pictures sa pictorial ni Jessy na nakasuot ng white two-piece bikini, white below the knee boots at brown cowboy hat.
Mahabang ‘ay grabe’ ang comment ni Luis sa super sexy pictures ni Jessy na naka-post sa Instagram ng kanyang misis.
"Giddy up. It’s been a long time since I had a photo shoot like this. Last hurrah before I turn 30 this year!” caption ni Jessy sa kanyang latest Instagram post.
Ayon kay Jessy, muntik pa raw na hindi niya mai-post ang kanyang sexy cowgirl pictures sa kanyang Instagram.
This is maybe the reason kaya super workout si Jessy. Naintriga pa si Jessy sa kanyang pagwo-workout na iniugnay ng mga netizens sa kanyang pagbubuntis.
Binati naman ng mga netizens si Luis for having Jessy as his wife na maintained ang kaseksihan at kakinisan, ha?
“Ang suwerte naman ni Luis, super hot 'yung wife niya.”
Pinuri rin ng mga netizens si Luis for being a supportive hubby ni Jessy. At sa kanyang sariling IG, ipinost din ni Luis ang sexy cowgirl pictures ng kanyang misis.
Caption naman ni Luis, “Wow naman may wowow.”
Kaso, isang netizen ang basag-trip at comment nito, “Congratulations the surgery trun (turn) out great.”
Hindi pinalagpas ni Luis ang comment ng netizen, nag-reply siya ng, “And your spelling did not.”
Natawa at sinuportahan ng iba pang netizens si Luis sa kanyang post at caption sa pictures ni Jessy.
“SOMEBODY CALL AN AMBULANCE! SOMEONE JUST GOT ROASTED!”
“Hahahaha BURN!! Nice one Kuya Luis!!!"
Dinepensahan naman ng isang netizen si Jessy, “Parang natural naman si Jessy. Walang gawa. Actually sa hitsura mo, mas kailangan mo magpa-surgery!"




Comments