Misis ni Kiko ang VP?! SHARON, TODO-PAKIUSAP NA TUMAKBO ULING PRESIDENTE SI LENI SA 2028
- BULGAR

- Apr 30
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | April 29, 2026

Photo: FB Sharon Cuneta
Pilit na kinukumbinse ni Megastar Sharon Cuneta na tumakbong muli bilang presidente si Naga Mayor Leni Robredo.
Sa open letter na ipinost ni Sharon sa kanyang Instagram (IG), nakiusap siya kay Leni na magbago ang desisyon nito na mag-retire na sa Naga bilang mayor at mag-seek ng posisyon sa national level.
“Dearest Ma’am Leni, PLEASE RECONSIDER... You are the one who can unite these different parties. You have proven na ipaglalaban n’yo ang PILIPINAS.
“Sana lang, napagbigyan kayo noong 2022. Please choose a great VP, ideally from where you will garner more support than ever before, and Kiko and I will go all-out for you po,” panimula ni Sharon.
Mas marami raw ang umaasa kay Leni ngayon.
Ayon pa kay Sharon, “Please, Ma’am Leni. We are all storming the heavens with our prayers for you to change your mind and run once more — just one more time po Ma’am, for President.
“Naghihintay lang po kaming lahat Ma’am, mga Kakampink noon at mga naging Kakampink na ngayon. Mahal na mahal po namin kayo at patuloy na naniniwala sa katapatan at abilidad ninyo na patakbuhin at alagaan ang ating bansa. Support is gathering for you more than ever. Just say the word, Ma’am...
“P.S. Ma’am, pupuntahan na raw po kayo ng anak naming si Miguel @miguelcpangilinan sa Naga para po pakiusapan kayo uli at ipaalala po ang sinabi n’ya sa inyo noong Victory Dinner ni Kiko last May.”
Sang-ayon kay Sharon ang marami sa kanyang IG followers sa panawagan niyang muling tumakbo si Leni bilang presidente ng Pilipinas.
Sey ng mga netizens…
“Yes, please. No one can do the best.”
“100% agree with you, Ate @reallysharoncuneta.”
“PLEASEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!!!!!!!!!”
“I teared up reading this.”
What if i-request naman ni Leni Robredo na tatakbo lang siya bilang presidente kung si Sharon Cuneta ang kanyang bise-presidente?
Puwede!
Akala sasampalin…
FYANG, TAKOT NA TAKOT KAY DINA
NAKAKAALIW si Dina Bonnevie sa mga one-liner niya sa mediacon ng Love is Never Gone (LING), gaya na lang ng dialogue niya na, “Ayoko ng kabit.”
Babaero kasi ang role ng mister niya sa serye na si Michael de Mesa, kaya naibulalas niya sa mediacon ang linyang iyon.
Knows naman ng marami na may ganoong bahagi sa buhay ni Dina, kaya madaling ma-gets ang hugot niya sa mga kabit.
May mga hirit din si Dina sa role niya bilang kabilang sa ‘alta’. Feel na feel daw kasi niya ang location ng karakter niya na mayaman.
“Ayoko nang mainit,” pabirong sabi pa ni Dina.
Samantala, puring-puri naman ni Dina ang co-star niya sa LING at gumanap na anak niya na si Fyang Smith.
Parehong first time makatrabaho ni Dina si Fyang at ang kalabtim nitong si JM Ibarra.
“But naku! Fyang is like my baby girl. Lahat naman ng nagagawa kong series, ‘pag anak ko, nagiging anak-anakan ko talaga,” lahad ni Dina.
Marami raw puwedeng i-offer si Fyang sa audience.
“I mean she has a lot to promise her audience. She is a multi-faceted performer. Talagang kahit na magulo ‘yan, ha, before the scene kahit na magulo ‘yan,” sey ni Dina.
Pagpapatuloy niya, “Pero ‘pag alam n’yang iiyak s’ya, tinitingnan ko, ‘Makaka-deliver ba ‘to?’ ‘yung eksena namin na talagang confrontation sa sampalan. Takot na takot s’ya kung sasampalin ko s’ya. Sabi ko, ‘‘Di kita sasampalin. ‘Di ako nananampal.’
“Sabi n’ya (Fyang), ‘Hindi, puwede lang kahit slide.’ (Sabi ni Dina kay Fyang) ‘Hindi nga kita sasampalin.’ Sabi ko, ‘Sabayan mo na.’
“But I was amazed that she was able to deliver.”
Anyway, sa direksiyon nina Manny Palo at Jojo Saguin, subaybayan ang Love is Never Gone. Ito ay sa ilalim ng produksiyon ng Dreamscape Entertainment na nasa likod ng ilang hit series ng ABS-CBN tulad ng Linlang, Saving Grace, Dirty Linen, at The Alibi.
Huwag palampasin ang matitinding tagpo sa ngalan ng pag-ibig sa Love is Never Gone, na eksklusibong mapapanood sa Prime Video simula Mayo 8.





Comments