Misis, nagpagawa na raw ng gown… DIREK PAUL AT TONI, 'DI INIMBITA SA SONA NI PBBM
- BULGAR
- Jul 27, 2023
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 27, 2023

May sagot na ang mag-asawang Direk Paul Soriano at Toni Gonzaga sa maraming nagtatanong kung bakit hindi sila um-appear sa nakaraang State of the Nation Address (SONA) ng kanilang ninong sa kasal na si Pangulong Bongbong Marcos last Monday.
Nag-post ang buntis na aktres-TV host sa kanyang Instagram Story ng picture ng hospital bed kung saan may nakitang nakahiga na naka-face mask at naka-cap.
Pahulaan sa mga netizens kung sino ang nakahiga sa bed — ang buntis bang si Toni o si Direk Paul na trademark na ang pagsusuot ng cap?
May kalakip na text ang naturang larawan kung saan sinabi ni Toni na "Since the start of July, it's been Home-Doctor-Home-Doctor for me."
Nakasulat din sa photo ang "Thank you for never leaving my side in this last stretch. Needed you now more than ever. Thank you for being the best partner in this journey. Anytime now. Love you @paulsoriano1017" na obviously, para sa mister niyang si Direk Paul.
Well, si Toni na rin ang nagbalita na mukhang hindi madali ang pagbubuntis niya ngayon at any moment ay baka manganak na ang ate ni Alex Gonzaga sa second baby nila ni Direk Paul Soriano.
Gusto naming isipin na ito na ang 'official statement' ng mag-asawa sa mga isyung lumalabas ngayon tulad ng tinanggal na diumano si Direk Paul sa posisyon niya bilang Presidential Adviser for Creative Communications matapos diumanong bumaba ang trust rating ni PBBM dahil sa Department of Tourism's Love the Phils. campaign, kung saan ang mister ni Toni ang itinuturo at sinisisi sa 'old stock' video clips na ginamit.
May isyu pa ngang nagpagawa na raw si Toni ng gown na isusuot sana sa SONA pero last minute ay kinansela raw ang imbitasyon sa mag-asawa dahil nga sa recent issue kay Direk Paul.
But last Tuesday, si Presidential Communication Office Secretary Cheloy Garafil na mismo ang nag-announce sa media na naka-leave si Direk Paul for 'personal reasons'. At ito nga ay marahil para matutukan ang misis na delikado ang kondisyon ng pagbubuntis ngayon.
Well, kung anuman ang totoo sa isyung ito, ayaw muna naming stress-in si Toni sa ngalan na lang ng kanyang pagbubuntis ngayon, at sana, 'yun na lang din ang bigyan ng konsiderasyon ng mga bumabanat sa kanila ni Direk Paul.

Natural ay masaya ang businesswoman-turned TV host na si Ms. Anna Magkawas na kung dati, segment host lang siya sa Negosyo Goals na napapanood sa AllTV, sa Season 2 ay siya na mismo ang main host nito.
Pinalitan ni Ms. Anna si Gerry "Mr. Freeze" Santos na unang host ng Negosyo Goals na produced ng Makers Mind Media Production.
Sa ginanap na presscon a few days ago, nilinaw ng producer na si Ms. Ivy Ataya na walang bad blood sa pagitan ng Makers Mind at ni Mr. Gerry Santos.
At dahil nasubukan na rin nila si Ms. Anna sa first season, kaya ito na rin ang naisip nilang ipalit kay Mr. Freeze sa second season ng Negosyo Goals na in fairness ay nagkiklik sa viewers, lalo na sa mga mahilig magnegosyo at gustong mag-start mag-business kaya nagkaroon ng Season 2 na magsisimula na nga sa Linggo, July 30, 11:30 AM.
Malaki ang tiwala ng Makers Mind producers kay Ms. Anna dahil bago pa ito naging segment host ng Negosyo Goals ay content creator at CEO rin ito ng Luxe Skin/Slim kaya maraming followers sa social media.
At dahil marami rin siyang endorsers tulad nina Andrea Brillantes, Viy Cortez, Zeinab Harake, Aubrey Miles, Sarah Lahbati at mga naging kaibigan sa showbiz, inaasahang maraming maipi-feature si Ms. Anna Magkawas sa Season 2 ng Negosyo Goals.
Comentários