top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg

Misis na si Maine, no show… SYLVIA, TODO-TULONG KAY ARJO SA PAG-AYUDA SA MGA BINAHA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 24, 2025
  • 3 min read

Updated: Jul 25, 2025

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 24, 2025



  • Sylvia Sanchez - Congressman Arjo Atyde - FB

Photo: Sylvia Sanchez / Congressman Arjo Atyde - FB



Grabeeee, as in grabeee!!!

Ganito namin gustong ilarawan ang pagiging supportive mom ng aktres at Nathan Studios producer na si Sylvia Sanchez sa anak na si Quezon City District 1 Cong. Arjo Atayde.


Imagine, pagod at puyat pa si Ibyang (palayaw ni Ms. Sylvia) na huli naming nakita at nakasama sa nakaraang 8th EDDYS Awards last Sunday sa Ceremonial Hall ng Marriott Hotel nang tumanggap ito ng Rising Producer Circle Award, pero nitong kasagsagan ng matinding pagbagyo at pagbaha sa Metro Manila, humataw din sa pag-alalay at pamimigay ng ayuda ang ina ni Cong. Arjo.


Nakita namin sa Facebook post ng page ni Cong. Arjo Atayde ang mga larawan ng kongresista habang nag-aabot ng box-box na tulong sa iba’t ibang barangay na nasasakupan niya  sa District 1 ng Kyusi tulad ng Sto. Domingo, Del Monte, Bagong Pag-Asa at iba pa.



  • Arjo Atayde


Katuwang ang DSWD, ang kanyang mga staff at pinsang si Gab Atayde, namigay ng mga biscuit, tinapay, sopas, unan, kumot at banig ang grupo ni Arjo sa mga nasalanta ng bagyo at baha.


Habang ang kanyang inang si Sylvia, may sariling team din na nagpakain ng lugaw at nag-abot ng iba pang tulong sa mga nasasakupan ni Cong. Arjo.


At kesehodang inabot na ng gabi at basang-basa sina Sylvia na walang ka-make-up-make-up at talagang deglamorized, walang paki ang magaling na aktres na nagbahay-bahay para lang makapag-abot ng tulong at maiparamdam sa mga residente ng Distrito Uno ang kanilang pagdamay.


Kung tama ang pagkakatanda namin, minsan na ring nalagay sa parehong sitwasyon ang pamilya ni Ibyang nang bahain ang kanilang bahay sa Pasig nu’ng kasagsagan ng Bagyong Ondoy nu’ng taong 2009.


Kaya for sure, alam na alam nina Cong. Arjo at Ibyang ang pakiramdam ng mga binagyo at lumubog sa baha ang bahay.


Samantala, napansin naming wala ang misis ni Cong. Arjo na si Maine Mendoza sa mga pictures na nai-post sa FB page niya habang namamahagi sila ng tulong.

Ang inisip na lang namin, baka nag-alala si Cong. Arjo at ang team niya na pagkaguluhan si Maine kung sakaling sasama ito sa mga relief operation.


Aminiiin, kahit naman tapos na ang peak ng kasikatan ng AlDub, marami pa rin talaga ang gustong lumapit at magpa-selfie kay Maine kapag nasa public place ito.

So, kesa magkagulo nga naman ang mga tao, mas okay nang no show si Maine sa pamimigay ng tulong ni Cong. Arjo. 


Malay naman natin, baka sa ibang paraan tumulong si Maine, either naglabas ng sariling pera pandagdag sa mga ipinamigay nilang pagkain or baka tumulong sa repacking, devah?


Ang mahalaga, hindi missing in action si Cong. Arjo at pinatunayan niya ang slogan niyang “Aksyon Agad” ngayong kailangang-kailangan ng mga ka-distrito niya ang kanyang pagdamay.




  • Ice Seguerra


WALA pang isang buwan mula nang pumanaw ang ina ni Ice Seguerra na si Mommy Caring Seguerra last June 27, kaya tiyak na nasa panahon pa rin ng pagluluksa ang magaling na singer-director-concert producer.


Pero bilang isang professional singer-performer, “life goes on” para kay Ice, kaya naman nitong July 18, dalawang kanta ang inilabas niya mula sa pinaka-personal niyang album na Being Ice, ang ‘Wag Na Lang Pala at Nandiyan Ka


For the first time sa kanyang career, maglalabas si Ice ng kanyang full-length album composed of songs na galing talaga sa puso niya — no covers, no remake, just his own truth.


Pero sa kabila ng marami na siyang napatunayan, meron pa rin palang kaba ang singer-performer sa paglalabas ng mga bago niyang kanta.


“I was so afraid to release new songs—lalo na ‘yung ako mismo ang nagsulat,” ani Ice.

“What if people didn’t like it? I am a breadwinner, so parang kailangan, ‘yung ginagawa ko, siguradong hit. But now, it feels freeing. I love doing acoustic songs, pero sa Being Ice, mas nagka-freedom ako to try new genre. Finally, kaya ko nang gawin ‘to. And for the first time, maririnig ng tao kung ano talaga ‘yung kuwento ko.”


Ang ‘Wag Na Lang Pala ay co-written with his wife, Liza Diño-Seguerra, and was born from a personal poem. Para ito sa mga taong hindi kayang ilabas ang feelings nila dahil natatakot silang masira ang pagkakaibigan. 

“Para ‘to sa mga friendzoned. Hehe!” dagdag ni Ice.


Samantala, ang Nandiyan Ka ay collab nila ni Jonathan Manalo, ang most-streamed Filipino songwriter and producer na may higit 7.9 billion streams at ranked as the 141st top global music producer. 


Sabi ng mga listeners, para raw itong modern version ng Pagdating ng Panahon. Pero this time, tungkol sa pag-ibig na ‘andiyan lang pala… ‘di lang natin nakita.


Isang pag-ibig na ‘di masabi, isang hindi napansin.

Ang Being Ice album ay produced ng Fire and Ice Music, at distributed ng ABS-CBN Star Music. Ang full album release ay sa August 8, 2025.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page