Misis mo, Ryan, wala raw hiya… JUDAY, NAGKAMA NG KAPWA BABAE, ‘DI MA-TAKE NG NETIZENS

ni Nitz Miralles @Bida | September 10, 2026

Photo: IG_officialjudayph
Isini-ship ng mga fans sina Judy Ann Santos at Carla Humphries dahil sa role nila sa HBO Max PH series na Call My Manager (CMM). Gustung-gusto ng mga fans ang ipinost ni Juday na photo nila ni Carla na almost kissing at ang caption ay: “Woman-loving-woman (WLW) moment with Andrea and Rina!” Kinilig sila sa dalawa.
Si Judy Ann as Andrea Manuel ay isang lesbian talent manager, at alaga niya si Carla as Rina.
Pinusuan ng mga fans ang post na ito ni Juday at marami ang nag-comment, na ang iba ay ‘kaaliw.
“OMG, Juday!!! You driving us all up hills with the transition of movie genre.”
“It’s so kilig, ang hot naman.”
“We want them to kiss, please.” “Grabeng kabadingan po ‘yan.”
“Grabe, lakas mo pa rin talaga sa sangkabaklaan.”
Napa-comment tuloy si Judy Ann ng “Maraming salamat sa lahat ng nag-comment, nag-react, at patuloy na nakatutok sa bawat eksena. Ang saya basahin ng reaction ninyo. Totoo namang nakakatawa ang ibang comments sa post na ‘to.”
Pero, meron ding mga fans si Juday na hindi handang mapanood siya sa ganitong role.
May nag-comment na, “I don’t like her character in this movie because Judy Ann is a very respectable person in showbiz, a great wife, mother and entrepreneur. I hope she won’t accept like this character again.”
May nag-react pa ng “Fan ako ni Juday growing up pero shameless talaga ‘tong ginawa n’ya.”
Dahil yata ito sa bed scene nina Judy Ann at Carla na shameless na para sa iba.
Marami naman ang open-minded at tinanggap na ginawa ito ng aktres dahil trabaho at dahil artista siya.
Nambibiktima sa FB…
DENNIS, MAY IMPOSTOR, FANS BINALAAN
ANG feeling ng mga fans, na-scam sila ni Dennis Trillo sa post nito sa Facebook (FB) na makikita siyang shirtless at nagwo-workout. Sa caption ng aktor, nagkaroon ng pagtatanong dahil sabi nito: “Not bad para sa 53 years old.”
Kinontra siya ng mga fans dahil ang alam nila, 45 years old lang siya.
May fan pa nga na nag-repost ng info ni Dennis posted in one fansite at nakasulat doon na 45 yrs. old lang talaga siya.
May nagtanong tuloy kung nagpapatanda lang ba siya para mabilis maging senior citizen?
May napa-comment ng “Grabe sa 53. Hahaha! LOL (laugh out loud), 45 ka pa lang kaya. Komedyante ka na talaga.”
Sabi naman ng isa, “Ako lang ba ang naghihintay ng kalokohan n’ya sa dulo? Hahaha!”
Sinagot ni Dennis ang nag-comment ng “Bakit sa TikTok, 54, dito sa FB, 53 sa caption?” ng “Para maiba lang.”
Anyway, may paalala si Dennis sa mga followers-fans niya sa FB.
“May nanggagaya sa akin, nagpapanggap, nagme-message kung kani-kanino. ‘Wag paniwalaan, ‘di ako ‘yun.”
Mukhang wala pa namang nabibiktima ang nanggagaya kay Dennis dahil wala pang nagrereklamo, pero maganda na pinangunahan na niya ang kanyang mga fans para makaiwas sa scammer.
MAGKASAMA ngayon sa pelikulang Life After You (LAY) sina Diamond Star Maricel Soriano at Bela Padilla.
Post ni Maria tungkol kay Bela, “NAKAKALOKA ANG KUWENTO NI BELA PADILLA!
“Kasama ko po ngayon ang isang writer, director, at s’yempre, maganda at magaling na aktres—Bela Padilla.
“Naloka ako sa kanyang nakakalokang airport experience at ibinahagi rin niya ang ilang misconceptions ng mga tao tungkol sa kanya.”
Sagot ni Bela sa post ni Maricel, “Napaka-fresh mo naman, Inay (heart emoji).”
Ang husay ni Maricel, mapa-drama at comedy. Nakakatuwa ang mga eksena nila ni Gardo Versoza sa LAY at may mga kinilig pa.
Ex at BF ng aktres…
ALDEN, JULIE ANNE AT RAYVER, SAMA-SAMA ABROAD
MAGKAKASAMA sina Alden Richards, Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa Pinoy Festival Las Vegas happening on October 9–11 sa Gold Coast Hotel and Casino. For sure, bibigyan ng kulay ang pagsasama sa show nina Alden at Julie kahit maayos na ang isyu sa kanila at friends na sila.
Makakasama rin nila sina Boobay, Tekla, Jay-R, at Ai Ai delas Alas.





Comments