top of page

Misis mo Chiz, super-bongga talaga! HEART, MULA ULO HANGGANG PAA, MAMAHALIN ANG SUOT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | March 24, 2026



Heart Evangelista

Photo: IG Heart Evangelista



Parang nagulat ang mga fans ni Heart Evangelista sa nalamang nagsusuot ito ng t-shirt na dito naman siguro niya binili. 


Ibinida ni Heart na ang suot niyang white t-shirt ay galing sa isang sikat na brand na hindi man locally made, available naman sa bansa. 


Dahil sa nabanggit ni Heart kung saan galing ang t-shirt niya, siguradong marami ang bibili ng ganu’ng style na very comfy naman talaga.


Kaya lang, ang t-shirt lang yata sa suot ni Heart ang mura at afford ng marami. Kahit sinabi nitong super-old ang Alexander McQueen shoes na suot niya, mahal pa rin, lalo na ang Hermes Kelly bag na gamit niya that day. 


Ang pants ay galing sa isang luxury store na for sure, mahal din. Huwag kalimutan ang bling-bling na suot nito na mahal din, pero marami pa rin ang nagtatanong kung saan sila makakabili.


Nagustuhan ng mga fans ni Heart ang minimal make-up nito sa sinabi nitong family day nila at bonding niya with the kids. Mas bagay daw sa kanya ang minimal make-up, pero kailangan din naman niya ng heavy make-up paminsan-minsan.


Anyway, looking forward ang mga fans ni Heart sa nabanggit nitong gusto niyang makasama sa series o movie si Caprice Cayetano. Puwede raw gumanap na young Heart ang Kapuso young actress dahil may similarity sila. 


Sana raw, mangyari na ang pagbabalik ni Heart Evangelista sa paggawa ng movie o TV series dahil miss na nila na mapanood itong umaarte.


Halata raw na nagustuhan nito si Caprice Cayetano dahil sa sinabing isang tawag lang daw kung kailangan nito ng damit at gown, open at willing siya na damitan ang Kapuso Big Winner ng PBBCCE 2.





After makitang nag-date sa BGC…

JAKE, TODO-PUSO SA POST NI RABIYA, TAMANG NANLILIGAW NA



NANGUNA ang pangalan ni Jake Cuenca sa mga nag-like sa latest Instagram (IG) post ni Rabiya Mateo. 


Walang sinabi, emojis lang ng red heart at man with red heart eyes ang comment ng aktor. Emoji rin ng man laughing ang sagot ni Rabiya. Matipid pa sa words ang dalawa, hayaan muna natin.


May fan na nag-comment ng “‘Yun na nga” at sinundan ng tanong ng isang fan ng “Kayo na ba ni Edong? Hahaha!” 


Ang Edong na tinukoy ay name ng karakter ni Jake sa What Lies Beneath (WLB) na hinangaan ng mga viewers dahil sa husay nito.


May nagpaalala naman na nagsimula ang relasyon nina Jake at ex niyang si Chie Filomeno sa pagla-like at pagko-comment ng aktor sa mga posts nito. Ang ending ng mga pagla-like at comment ni Jake, naging sila nga. Parang the same panliligaw tactic daw ang ginagawa ni Jake kay Rabiya.


In fairness, bago pa mag-comment si Jake sa post ni Rabiya, nag-date na silang dalawa. Spotted sila sa isang resto sa BGC (Bonifacio Global City) at feeling ng mga fans, masusundan pa ang date na iyon sa mga susunod na araw.


Bago si Rabiya, spotted si Jake na may ka-holding hands na naglalakad sa BGC. Hindi nalaman ang name ng girl na sabi ng mga fans, Viva star daw. Hindi nga lang nasundan ang date ng dalawa at baka flirting lang daw ‘yun, unlike kay Rabiya na nakilala agad at may date na nga.


Nakakatuwa ang mga fans, may mga tanong sila kay Jake. Nakailang girlfriend na raw ba siya? 


Isa pang tanong sa aktor, kailan daw siya mag-aasawa at ano raw ba ang hanap niya sa babae? As if naman, sasagutin sila ni Jake Cuenca.





Aktres, pumapag-ibig na raw… 

RAHEEL, KARIBAL NI EMAN KAY JILLIAN



FINALLY, ini-launch na ang pagiging singer ni Jillian Ward. Ang ganda ng boses ng lead actress ng Never Say Die (NSD) at para sa mga fans nito, dapat noon pa siya nagkaroon ng recording. 


But at least, hindi pa naman huli at last Sunday sa All-Out Sundays (AOS), nai-launch ang single niyang Pumapag-ibig.


Nag-aaway-away ang mga fans kung para kanino o kung kanino mas bagay ang song dahil may nagsasabing bagay kay Eman Bacosa Pacquiao. May nagsabi namang mas bagay sa kanila ni Raheel Bhyria at dito nagkaroon ng konting sagutan ang mga fans.


Mas sikat daw si Eman kay Raheel, kaya mas bagay ito kay Jillian. In fact, dapat daw na magpasalamat si Raheel kay Eman dahil kung hindi dahil sa kanya, hindi siya makikilala. 

Unfair ito sa aktor na kilala rin naman at mas nauna siyang nagpahayag na crush niya si Jillian kesa kay Eman.


Samantala, sa AOS, inamin ng aktres na pumapag-ibig na siya in real life. Hindi lang nito binanggit kung kanino siya umiibig kaya tuloy ang bangayan ng mga fans nina Eman Bacosa Pacquiao at Raheel Bhyria. 


Siguro, may the best man win na lang ang labanan ng dalawang guys sa puso ni Jillian Ward.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page