Misis mo, Chiz, naiyak… P500 M, SUOT NA BVLGARI NECKLACE NI HEART
ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 11, 2022

Hangga't patuloy na tikom ang bibig ni Heart Evangelista sa kalat na kalat nang balitang hiwalayan nila ni Sen. Chiz Escudero, nanganganak nang nanganganak ang mga espekulasyon ng madlang pipol, lalo na't ang daming kumakalat na iba't ibang bersiyon ng kuwento.
Unang kumalat at pinag-usapan sa social media na diumano'y nakabuntis ng sekretarya niya si Sen. Chiz, bagama't wala namang supporting details na nagpapatunay nito kaya mahirap paniwalaan ang kuwento.
May kumalat ding nakita diumano ang senador na may kasamang babae sa bar, but then again, pagdududahan mo pa rin dahil alam naman siguro ni Sen. Chiz na kilala siya sa buong bansa at hindi puwedeng hindi makarating sa kanyang misis na si Heart sakaling may iba nga siyang ka-date.
At saka ang dali-dali na silang mapiktyuran kung totoo nga 'yan, pero bakit wala namang kumalat na ebidensiya?
Ang siste, may nagbulong din sa amin na hindi naman daw sekretarya ni Sen. Chiz ang diumano'y nabuntis niya kundi isang kasambahay nila ni Heart.
Ipinasa pa sa amin ang litrato ng girl na sa tingin namin ay nasa mid-40s na at super-layo naman ng ganda ni Heart dito, sa totoo lang.
Natatawa pang sabi ng nagpasa sa amin ng picture, "Hipon girl si ghorl."
Grabe, devah?!
So, du'n pa lang, mapapaisip ka na nga kung bakit naman ipagpapalit ni Chiz ang kanyang byuti, sexy at sosyal na misis, unless lasheeeng siguro ang senador, kung totoo ngang may nangyari sa kanila nu'ng girl, ha?
Kaya naman hanggang hindi mismong kay Heart nanggagaling ang totoong estado ng relasyon nila ni Sen. Chiz at kung anuman ang dahilan ng kanyang 'pinagdaraanan', eh, parang ayaw pa rin naming maniwala, lalo na't ang daming walang magawang Marites na nagkakalat ng fake news.
Samantala, na-curious naman kami sa dahilan ng pagiging emosyonal at pag-iyak ni Heart Evangelista nang isuot niya 'yung napakaganda at alam mong pang-reyna levels na Bvlgari necklace para sa cover shoot ng L'Officiel Philippines.
Naiyak kaya si Heart dahil sa 'pinagdaraanan' niya ngayon o naiyak siya knowing na ang halaga pala ng isinuot niyang kuwintas ay worth P456,500,000 sa pera natin?
In fairness, kering-kering dalhin ni Heart 'yung ganu'n kamahal na alahas at lalo siyang naging sosyal tingnan.
For sure, ang daming inggit much na celebrities kay Heart dahil kahit sandali lang ay nasubukan niyang magsuot ng almost half a billion worth ng necklace, 'no!





Comments