top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Misis, ligate na… DOUG, GUSTO PANG MAGKA-BABY ULI SILA NI CHESKA, MAG-A-IVF NA LANG

Writer: BULGAR
BULGAR
May 17, 2023
2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 17, 2023



Ang sayang pagmasdan ng Kramer Family sa launching nila as the first ambassador ng Mr. DIY na ginanap sa Novotel Hotel, QC last Monday afternoon.


Nakikita namin sa kanila ang Muhlach Family, na noong maliliit pa ang kambal nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez ay sobrang mabenta sila as product endorser.


Well, 'ika nga, weder-weder lang talaga 'yan at it's Team Kramer's time na ngayon.


Pansin n'yo rin, kaliwa't kanan ang kanilang endorsements, na siyempre, thankful naman ang mag-asawang Doug Kramer at Cheska Garcia-Kramer dahil blessing ito, at kasama pa nga ang kanilang three pretty-handsome kiddos na sina Kendra, Scarlett at Gavin.


Tinanong nga namin ang CEO ng Mr. DIY na si Ms. Roselle Andaya sa media launch kung makakaapekto ba sa kanilang tagline na "Always low prices" ang pagpasok ng Team Kramer sa kanilang kumpanya.


Meaning, tataas na ba ang presyo ng mga produktong ibinebenta sa Mr. DIY, na in fairness, one-stop shop talaga dahil lahat ay nandu'n na.


Pero tiniyak naman ni Ms. Roselle na kahit sikat ang kanilang endorser, hindi maaapektuhan ang prices ng kanilang mga produkto dahil gusto nilang maging affordable ang mga ito para sa lahat.


Anyway, ipinakita sa video presentation ang pagsa-shopping ng buong Kramer family sa Mr. DIY store at nakakatuwa silang tingnan, parang normal na tao lang sila na enjoy na enjoy sa pagpili, lalo na ang tatlong bagets.


Samantala, tinanong namin ang mag-asawa kung wala na ba silang balak sundan ang tatlong anak.


Si Doug ang umamin na nami-miss na nga nila ni Cheska ang magkaroon ng baby sa bahay. Kaso, halos dahil magkasunod lang na ipinanganak sina Scarlett at Gavin, nagkaroon ng problema sa health ni Cheska at kinailangan na raw nitong magpa-ligate.


Kaya ngayon, nag-resort na raw sa IVF treatment ang mag-asawa at hopefully nga ay magkaroon pa sila ng another baby dahil ang gaganda ng kanilang mga dyunakis, pramis!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page