Misis, jackpot talaga… MATTEO, NAGPAGAWA NG SARILING STUDIO PARA KAY SARAH
ni Nitz Miralles @Bida | January 23, 2023

Naaliw kami sa tanong ng isang follower ni Matteo Guidicelli sa Instagram kung ang pamilya ba ni Matteo ang may-ari ng branch ng Landers sa Alabang? Nakita kasi sa video na ipinost ni Matteo sa ipinapagawa nilang G Studios ang Landers dahil magkatabi lang ang dalawa.
Sa video, nabanggit ni Matteo ang location ng G Studios na “right in Landers.” Two-storey ang G Studios na ayon pa kay Matteo, malapit nang matapos. Ang caption nito sa kanyang post, “@thegstudiosph is coming soon! Visited our site this morning! Few more months and our project is ready for you! G Studios PH.”
Malaki ang G Studios na ayon pa rin kay Matteo, may recording studio, shooting space, rehearsal space, video shooting space at marami pang paggagamitang area.
Kapag natapos ang G Studios, dito na siguro magre-recording si Sarah Geronimo, ang rehearsal niya ‘pag may concert at dito na rin kukunan ang kanyang music video. May tumawag na nga sa G Studios na “Sarah Geronimo’s Studios.





Comments