Misis, ‘di kinausap… MARIEL, TUMANGGAP NG PERA SA IBA, ROBIN GALIT NA GALIT
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 18, 2022

Sa isang panayam, natanong si Mariel Rodriguez kung ano ang matinding ikinagalit ni Robin sa kanya sa buong panahon ng kanilang pagsasama.
Sandaling nag-isip si Mariel, sabay sabing: "May tumawag sa akin, kaibigan daw siya ni Robin which is true naman. Magbibigay daw siya ng tulong. Hiningi niya ang account number, ibinigay ko ‘yung Cooking Ina number. I told Robin, du’n siya galit na galit. Bakit ko raw ibinigay? Mabuti, agad niyang nagawan ng paraan."
Ayon pa kay Mariel, du’n daw talaga niya nakita kung paano magalit nang matindi ang kanyang mister.
"Hindi niya ako kinakausap buong maghapon. Lahat ng iniluto ko, umaga, tanghalian, gabi, hindi niya kinain. Nasa labas lang ng kuwarto at talagang hindi siya lumalabas ng kuwarto, as in, hunger strike siya."
"Kaya ngayon, kapag may tumatawag uli at sinasabing magbibigay ng tulong, ibinibigay ko na ‘yung number niya, bahala na silang mag-usap," kuwento pa ni Mariel.





Comments