ni Beth Gelena @Bulgary | May 28, 2024

Aminado si Ogie Alcasid na kahit pareho silang singer ng misis na si Regine Velasquez ay nagkakaroon din daw sila ng differences.
Tulad kapag nasisintunado nang kumanta, hindi raw niya masabi sa Asia's Songbird na naa-out of tune na ito.
Guest sa Fast Talk with Boy Abunda ang OPM (Original Philippine Music) president na si Ogie kamakailan.
Natanong siya ng King of Talk kung nagkakaroon din ba sila ng creative differences.
“Oo naman,” sagot ng singer-composer-songwriter.
Kilalang biritera ang singer-actress kapag nagpe-perform, pero minsan daw ay sumasablay din ang misis niya.
But of course, Asia's Songbird is a great performer, kapag sinasabi raw niya na out of tune na si misis, hindi raw maiwasang maging iritable na ang Asia's Songbird.
“Naku, sa recording kasi, ako ang lagi niyang technician. Tapos, kapag tine-take ko siya, tapos hindi niya naaabot or mali ang tono niya, nakikita ko, naiinis na siya, eh. ‘Mali, wala ka sa tono.’ Sabi niya, ‘Kilala mo ba kung sino ang kausap mo?’” pagbabahagi ni Ogie.
Alam naman niyang great singer ang misis, pero nai-irritate raw talaga ito kapag nasabihang
“Wala ka sa tono.”
Magkagayunman, tina-try daw niyang maging mabuting asawa every single day.
May ganu'n, Daniel? KATHRYN, 'DI RAW HAPPY NA KATABI SI ROBIN SA PICTURE

Nagbahagi ng behind-the-scene photos na kuha sa FAMAS si Dingdong Dantes.
Komento ng mga netizens…“Bakit parang tipid ang ngiti ni Kath (Kathryn Bernardo) na katabi si Robin (Padilla)? LOL (laugh out loud).”
“Mga pogi at magaganda. ‘Yan ang pinakasikat sa showbiz sa kasalukuyan.”
“Ang guwapo ni Piolo.”
“Panira naman sina Robin at Nadia.”
“Ang awkward ‘yung tumabi pa si Robin Padilla kay Kathryn, hahaha!"
“Mas matanda pala ng 1 year si Dingdong kay Coco.”
“Parang hindi natutuwa si Kath na katabi n’ya si Tito Robin at parang ‘di rin natutuwa si Alden. Parang lang naman, baka ako lang ‘to, mga baks, hahaha!”
“Alden, Kathryn, Coco, sayang, wala si Julia.”
“‘Yung Robin Padilla, isiningit talaga ‘yung sarili in between Kathryn and Marian. Puwede naman sana ru’n sa dulo katabi ni Alden para balance, since si Nadia, nasa kabilang dulo rin.”
“Ang ganda ni Marian. Nawawala ganda ni Kath ‘pag itinatabi kay Marian.”
“Magkaiba ng beauty but both beautiful. Marian is a beautiful mestiza and Kathryn is a beautiful Filipina.”
Comments