top of page
Search
  • BULGAR

Minus Sen. Kiko... SHARON, DUMALAW SA BAHAY NINA SEN. TITO, NAKIPAG-BONDING

ni Nitz Miralles - @Bida | June 13, 2022



Marami ang masaya para kina Senate President Tito Sotto, his wife Helen Gamboa, kanilang mga anak at kay Sharon Cuneta sa pagkikita-kita nila sa bahay ng mga Sotto. Based sa mga litrato, si Sharon ang pumunta sa bahay ng mga Sotto at para sa mga netizens, ang ibig sabihin noon ay “all’s well that ends well.”


Tapos na nga naman ang eleksiyon at pamilya naman ang kanilang hinarap na prayoridad. Pinuri ng mga netizens sina Sharon, Tito Sen, Helen at buong Sotto family dahil naging open sila na muling tanggapin ang isa’t isa.


Para ngang kapamilya ng mga Sotto at ni Sharon ang mga nag-comment ng “So happy to see this,” “OMG, thank you, Lord,” “Family above politics,” “So happy to see you with your Mama Helen, Ate @reallysharoncuneta” at para kay Sharon ang comment na “It’s good that you have your peace in your heart. I love your humility. Keep yourself, don’t mind those who will never understand you. Be blessed, Shawie.”


Ipinost ni Sharon ang photo niya with the Sotto siblings, with Helen, with Tito Sen, and photo with her pamangkins. Sa lahat ng mga larawan, hindi naalis ang mga ngiti ni Sharon.


Naka-post din sa IG ni Ciara Sotto ang photos ng pagdalaw ni Sharon sa kanila at pinakagusto namin ang larawang yakap ni Sharon ang anak ni Ciara at isa pang bata. Mahigpit ang yakap ng mga bata kay Sharon at ramdam mong na-miss nila si Mega.


Simple lang ang caption ni Ciara sa kanyang post, “Blessed are the peacemakers, for they will be called children of God. Matthew 5:9 NIV” at sinundan ng “Ate.”


Ang isa pang hinihintay ng mga netizens ay ang pagdalaw ni Sharon sa mga Sotto kasama si Sen. Kiko Pangilinan. Sana raw, mangyari ‘yun para 100 percent ang saya ng lahat.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page