Minority senators, dedma sa SONA... Hindi kayo kawalan — Castro
- BULGAR
- 4 hours ago
- 1 min read
ni Mervin Reyes @News | July 28, 2026

Photo: SONA / Atty. Claire Castro sa SONA 2026 - Senate PH
Nagbigay ng reaksiyon at komento si Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa hindi pagdalo ng mga senador na nasa Senate minority bloc sa SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
"Ang Pangulo po ang importante rito, at mga opisyal na interesadong makinig kay Pangulo. So, ‘yung ibang mga opisyal na wala namang balak makinig sa Pangulo ay hindi natin pipilitin. At hindi naman po kawalan sa administrasyon kung hindi sila dadalo."
"Kung gusto nilang mas magbakasyon, mangibang-bansa, ay hindi natin sila mapipilit," aniya pa.
Ilan sa mga senador na nasa minorya na hindi dumalo sina Senators Alan at Pia Cayetano, Robin Padilla, Loren Legarda, at Sen. Imee Marcos.

