top of page
WINNER - ALEX, INILANTAD NA ANG PAGBUBUNTIS-IG _cathygonzaga.jpg

Mindoro nakasuwag ng panalo vs. Bataan Risers

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 9 hours ago
  • 2 min read

by Gerard Arce @Sports News | May 22, 2026



Mindoro Tamaraws vs Bataan Risers - Maharlika Pilipinas Basketball League

Photo: Maharlika Pilipinas Basketball League



Mga laro ngayong araw (Biyernes)

Alonte Sports Complex

4:00 pm – San Juan vs Iloilo

6:00 pm – Pasig vs Sarangani

8:00 pm – Binan vs Imus

 

Sinahod ng Mindoro Tamaraws ang pambihirang come-from-behind panalo mula sa double-double performance ni John Christopher Recto upang makamit ang back-to-back tagumpay matapos padapain ang 1Bataan Risers Camaya Coast sa 83-81 sa paunang laro sa triple-header na handog kahapon ng SportsPlus MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) 2026 Season sa Ynares Center sa Montalban, Rizal.


Umiskor ng walong sunod na puntos ang Tamaraws kabilang ang tatlong free throws ni Recto, kabilang ang buslo ni Joseph Sedurifa at tres ni Bambam Gamalinda upang pigilan ang mahigit isang minutong subok ng Bataan para dalhin sa 4-4 kartada ng round-robin elimination phase of the two-division, 28-team tournament.


Symepre sumusunod lang naman ako sa system ni coach Egay, nang buong coaching staff pagdating sa offense, most specially sa defense,” pahayag ng 6-foot-4 forward mula Mapua University Cardinals na lumikha ng game-high 23 puntos sa 7-of-15 field goals, 11 rebounds, anim assists at tig-isang block at steal sa panibagong daan sa kanyang karera.


Para sa akin iba na yung pressure, kase ibang level na ito and pro-career, so lagi naman kaming nire-remind ng mga beterano namin at buong coaching staff na maglaro lamang kami at stay focus at compose dapat andun lagi sa game kase hindi naman namin alam kung anong ibabato sa amin ng kabilang team, so stay compose lang, then gawin lang namin yung pinapagawa ng buong coaching staff,” dagdag ng hometown bet mula Pinamalayan, Oriental Mindoro.


Sumegunda naman sa iskoring si Gamalinda sa 22 puntos, siyam boards at dalawang blocks, habang nag-ambag rin ng tig-pitong puntos sina Mark Montuano, Ronnel Ramirez at Sedurifa, na nagdagdag rin ng siyam boards at dalawang dimes.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page