Minalas kina Paulo at Paolo, naka-jackpot sa bago… 2 ANAK NI LJ, TANGGAP NG FIANCE
- BULGAR
- Aug 11, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 11, 2023

Marami ang natuwa nang mag-post si LJ Reyes at ang kanyang fiancé na si Philip Evangelista ng mga larawan sa kanilang ginanap na prenup shoot. Kitang-kita ang tuwa ni LJ sa mga larawan nila ng kanyang husband-to-be. Sa wakas ay matutupad na rin ang pangarap niyang maikasal na hindi niya naranasan sa dalawang nauna niyang relasyon kina Paulo Avelino at Paolo Contis.
Nasaktan man siya nang husto sa paghihiwalay nila ni Paolo, ngayon naman ay ibinigay na sa kanya ng Diyos ang isang lalaking karapat-dapat niyang maging katuwang sa buhay at tinanggap siya nang buung-buo, pati na rin ang kanyang nakaraan.
Bukod doon, minahal din nito ang dalawa niyang anak. Si Philip na nga talaga ang nakalaan para sa kanya.
Biniro pa siya ng mga kaibigan na mahilig ito sa mga lalaking nagsisimula ang pangalan sa letter “P” tulad ng mga ex-boyfriends niya.
Ngayon nga ay nauwi na naman si LJ sa lalaking letter “P” uli ang simula ng pangalan.
Anyway, hangad ng lahat na lumigaya na siya sa piling ng kanyang soon-to-be mister.




Comments