Minahan ng karbon sumabog, 90 todas
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni Jenny Rose Albason @World News | May 25, 2026

Nasawi ang 90 katao sa pagsabog ng isang minahan ng karbon sa hilagang China.
Naganap ang gas explosion sa Liushenyu Coal Mine na pinamamahalaan ng Tongzhou Group sa Shanxi Province.
Agad na nagpadala ng daan-daang rescuers sa lugar upang hanapin ang mga posibleng nakaligtas at mabawi ang mga biktima ng insidente.
Nakaantabay rin ang mga paramedic at ambulansya, kung saan mahigit 100 katao ang iniulat na isinugod sa mga ospital para sa agarang lunas.
Ayon sa ulat, nasa 247 minero ang nasa loob ng minahan nang mangyari ang pagsabog.
Kasunod ng insidente, nanawagan si Chinese President Xi Jinping na walang oras ang dapat sayangin sa paggamot sa mga sugatan at sa patuloy na paghahanap sa mga survivor.
Iniutos din niya ang masusing imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng aksidente at mapanagot ang mga responsable.
Batay sa state media, ilan sa mga opisyal na namamahala sa minahan ay naka-detine na habang isinasagawa ang imbestigasyon. Hindi pa tiyak ang eksaktong dahilan ng pagsabog, ngunit lumalabas sa paunang ulat na umabot sa delikadong antas ang carbon monoxide—isang nakalalasong, walang amoy na gas na karaniwang matatagpuan sa mga minahan.
Ang Shanxi ay isa sa mga pinakamahihirap na probinsya ng China at kilala bilang sentro ng industriya ng coal mining sa bansa.
Ang naturang insidente ay kabilang sa mga pinakahuling malalaking trahedya sa sektor, kasunod ng pagguho ng isang open-pit coal mine sa Inner Mongolia noong 2023 na ikinasawi ng 53 katao.





Comments