Milyun-milyong botante ang magpapasya kung sino ang dapat manalo sa eleksiyon, period!
- BULGAR
- Dec 3, 2021
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 03, 2021
MAYOR SARA, RERESBAKAN NG MGA BONG GO SUPPORTERS—Matapos magdeklara si Sen. Bong Go na atras na siya sa laban sa presidential race ay umuusok sa galit ang mga BGS (Bong Go Supporters) kay Mayor Sara Duterte-Carpio, at ayon sa kanila ay ibabasura nila kandidatura nito for vice-president.
May puntong magalit ang mga BGS kay Mayor Sara dahil siya ang sanhi kaya hindi na lalahok sa halalang 2022 si Bong Go, ready na ang senador sa laban sa pagka-VP, eh, ang ginawa ng anak ng pangulo, tinapatan ito, nag-file rin for VP kaya natural lang na atras sa pagka-VP si Sen. Go, ang problema, nang pinag-file ito ni P-Duterte for president, hindi naman pala bukal sa puso nito ang kumandidato sa pagka-pangulo, dahil pang-VP lang siya, kaya ang resulta, atras na sa pagka-VP, atras din sa pagka-pangulo, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
MILYUN-MILYONG BOTANTE ANG MAGPAPASYA KUNG SINO ANG GUSTONG PANALUNIN SA ELEKSIYON, HINDI ANG 1,200 KATAONG SINU-SURVEY NG MGA SURVEY FIRMS—Saanman magpunta ang mga tandem na Vice-Pres. Leni Robredo-Kiko Pangilinan, former Sen. Bongbong Marcos-Sara Duterte, Sen. Manny Pacquiao-Lito Atienza, Mayor Isko Moreno-Dr. Willie Ong at Sen. Panfilo “Ping” Lacson-Vicente “Tito” Sotto ay dinudumog sila ng mga tao.
Pagpapatunay ‘yan na ang lahat ng kandidato for president at VP ay malakas, at hindi puwedeng pagbatayan ang 1,200 katao na sinu-survey ng mga survey firms para masabing winner na ang mga nangunguna sa survey.
Ang milyun-milyong botante ang magpapasya kung sino ang nais nilang iluklok sa puwesto, at hindi ang 1,200 sinu-survey ng mga survey firms, period!
◘◘◘
WALANG IBANG DAPAT SISIHIN SA PAGKABAON SA UTANG NG ‘PINAS KUNDI ANG MGA “BOBO-TANTE”—Pumalo na sa higit P11.97 trilyon ang utang ng Pilipinas sa iba’t ibang financial institutions sa mundo.
Walang ibang dapat sisihin sa pagkabaon sa utang ng Pilipinas kundi ang mga “bobo-tante”.
Iluklok ba naman sa puwesto ang mga kurakot na pulitiko, natural ubos agad ang kaban ng bayan, at para may makurakot uli ang mga buwaya, utang na naman, buwisit!
◘◘◘
ONLI IN DA ‘PINAS LANG NA CORRUPT ANG TYPE IBOTO NG MGA “BOBO-TANTE”—Maraming pulitiko ang nasampahan ng kasong katiwalian, ang iba ay nakulong pa.
Nabalita naman sa mga telebisyon, radyo, pahayagan at kumalat din sa social media ang kasong pangungurakot ng mga pulitiko, pero ang masaklap, ‘yung corrupt politicians na ‘yan, sila pa rin ang nais iboto ng mga “bobo-tante”.
Onli in da ‘Pinas lang ‘yan, na kurakot ang type iboto ng mga “bobo-tante”, tsk-tsk-tsk!





Comments