top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Milyones ang budget ng COA pero sa maliit na tindahan lang bumibili ng health supplies

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 23, 2021
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 23, 2021



ANO HAWAK NA ‘ALAS’ NI DUQUE KAY P-DUTERTE?—“I will stand for Duque.”

‘Yan ang sinabi ni P-Duterte sa publiko at wala siyang pakialam kahit bumagsak ang kanyang popularidad, na kesyo kahit mag-isa na lang siya ay suportado niya si Health Sec. Francisco Duque III at never niya itong sisibakin.


Ano kaya ang hawak na ‘alas’ ni Duque kay P-Duterte kaya’t hindi siya masibak ng pangulo?


Mantakin n’yo, sa umpisa pa lang ng laban ng Pilipinas sa COVID-19 ay nagpakita na ng kapalpakan sa tungkulin si Duque at sunud-sunod pang nasangkot sa anomalya sa gitna ng pandemya tulad nang P15 bilyong PhilHealth scam, kuwestiyunableng paggasta sa P67-bilyon DOH funds, at muntik na makalusot na overprice sa China-made na Sinovac na prinesyuhan ng P3,629.50 kada dose (P680 lang pala presyo nito), tapos imbes na sibakin ito sa puwesto, ang maririnig sa pangulo ay “I will stand for Duque,” boom!


◘◘◘


KAY DUQUE PALA ANG STAND NG PANGULO, HINDI SA SAMBAYANANG PILIPINO—Sa totoo lang, masakit sa pandinig ng mga Pinoy ang sinabi ni P-Duterte na “I will stand for Duque.”


Para kasing sinabi ni P-Duterte na kahit nasasangkot sa mga anomalya ang kanyang DOH secretary, kahit araw-araw ay maraming tinatamaan at namamatay sa virus, kahit pa punuan na ang mga ospital sa mga COVID-19 patients, ang stand niya ay kay Duque pa rin at hindi sa sambayanang Pilipino na nananawagang sibakin na ito sa tungkulin, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


SA MGA NAGING LIDER NG ‘PINAS, BUKOD TANGING SI P-DUTERTE LANG ANG NAGAGALIT SA COA—Sa bawat administrasyon ay may pina-flag ang Commission on Audit (COA) na tanggapan ng pamahalaan tungkol sa maling paggasta sa pera ng bayan, pero ang mga nakaraang pangulo ay hindi nagagalit sa COA, hinahayaan lang ang mandato nito, hinahayaan nilang sagutin ng mga gov’t. officials ang kinukuwestiyong pondo sa kanila.


Bukod tangi, si P-Duterte lang nagpapakita ng galit at nambu-bully sa COA, boom!


◘◘◘


MILYONES ANG BUDGET SA PAGBILI NG MEDICAL SUPPLIES, PERO IMBES NA SA DRUG STORE O SA BAMBANG BUMILI, SA MALIIT NA TINDAHAN BUMILI ANG OWWA—Ang palusot ni OWWA (Overseas Workers Welfare Administration) Administrator Hans Cacdac na kaya hindi nakita ng COA at media ang address ng MRCJP Construction and Trading sa Pasay City na binilhan nila ng milyones na halaga ng napkins, hygiene kits at thermal scanners ay dahil lumipat lang ito ng puwesto, at pagkaraan niyan ay nagpakita siya ng picture ng bahay na ginawang “tindahan” ang garahe at ang signage lang ay maliit na tarpaulin, dito raw sila bumili.


Mantakin n’yo, puwede namang bumili ang OWWA sa kalapit nilang malaking drug store, puwede rin sa Bambang, Sta, Cruz, Maynila kasi ang lugar ay bilihan din ng mga medical supplies, pero ang pinili nilang bilhan ng mga medical supplies ay ‘yung may maliit na puwesto sa isang lugar na mahirap hanapin, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page