Military joint exercises ng US at South Korea, sisimulan na

ni Jenny Rose Albason (OJT) | March 16, 2023

Planong simulan ng United States at South Korea ang kanilang pinakamalaking joint exercises sa loob ng limang taon matapos na magbabala ang Pyongyang ng mga pagsasanay na maaaring ituring bilang isang “war declaration”.

Pinaigting ng Washington at Seoul ang defense cooperation nito sa harap ng lumalaking banta ng mga militar mula sa North Korea.
Matatandaang noong nakaraang buwan ay nagsagawa ng missile test ang North Korea.
Tinatawag na Freedom Shield ang pagsasanay na gagawin ng US at South Korea.





Comments