Military arms kapalit ng VFA ng mga Kano, tagumpay si P-Duterte!
ni Ka Ambo - @Bistado | March 7, 2021
Magkakaloob ng military arms ang U.S. bilang kapalit ng pagpapatuloy ng Visiting Forces Agreement (VFA).
Nagtagumpay si P-Digong.
Klap-klap-klap!
◘◘◘
Yumao na ang constitutionalist na Catholic priest-academician na si Joaquin Bernas.
Bibihira ang katulad niya!
◘◘◘
Hindi malayong biglang maging Santo Papa si Cardinal Tagle anumang araw.
Paborito kasi siya ni Pope Francis!
◘◘◘
Sakaling kusang magbitiw si Pope Francis tulad ni Pope Benedict, malaki ang posibilidad na maikampanya nito si Cardinal Tagle.
Magiging dalawa na ang Pope Emeritus—sa unang pagkakataon—Pope Benedict at Pope Francis!
◘◘◘
Maaari kasing iregalo ng dalawang Santo Papa sa Vatican ang posisyon alang-alang sa ika-500 taon ng Katolisismo at Kristiyanismo sa Pilipinas at buong Asia.
Hanggang ngayon, nananatiling pinakaaktibong Catholic nation ang Pilipinas kumpara sa iba pang bansa sa daigdig!
◘◘◘
Alam ba ninyong saradong Katoliko ang bagong US president na si Joe Biden?
Gayunman, tulad sa Britain, protestant country ang U.S.—kaya’t minorya rito ang mga Katoliko!
◘◘◘
Bago maging Katoliko ang Pilipinas, maraming lugar sa ating teritoryo ay kontrolado ng Islam.
Gayunman, sa panahon ‘yan—may katutubong “pananampalataya” sa Pilipinas kabilang ang mga Buddhismo at Hinduismo!
◘◘◘
Sa Visayas, ang “Samar” ay hango mula sa katutubong Samaria na biblical town.
Sinasabing sa panahon ni Haring Solomon, nagmula sa Pilipinas ang mga ginto at matitibay na kahoy na ginamit sa pagtatayo ng Templo sa Herusalem.
Ibig sabihin, nakarating sa Pilipinas ang Judaismo—na siyang pinag-ugatan ng maraming klase ng sekta at relihiyon!
◘◘◘
Ang pundasyon, esensiya at pilosopiya ng Judaismo ay nakabase sa mitikal na Kabbala.
Ang Kabbala ang kaluluwa ng lahat ng prinsipyo ng relihiyong at ideolohiya.
Nakasentro ito sa naturalesa ng pagiging “tao” at relasyon nito sa kapaligiran, kalawakan at imortalidad!





Comments