top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Militar ng U.S., magdadala ng ayuda sa Gaza

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 2, 2024
1 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 2, 2024




Magdadala ang militar ng U.S. ng mga pagkain at kagamitan sa Gaza sa pamamagitan ng 'airdrop,' ayon kay Pangulong Biden noong Biyernes.


Ito'y matapos ang mga pagkamatay ng mga Palestinong naghihintay ng tulong sa kasagsagan ng sigalot sa pagitan ng Israel at Palestine.


Sinabi ni Biden na magsisimula ang U.S. sa pagpapadala ng ayuda sa mga susunod na araw ngunit wala siyang ibinigay na karagdagang detalye. Nagbigay na ng tulong sa pamamagitan ng 'airdrop' ang iba pang mga bansa kasama ang Jordan at France.


Ayon naman sa mga opisyal, maaaring magsimula ang mga ‘airdrop’ bago pa man matapos ang linggong ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page