Aktor, chickboy daw… MIGUEL, NAGING GF MUNA SINA BARBIE, KYLINE AT BIANCA BAGO NAPUNTA KAY YSABEL
- BULGAR

- Mar 11
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 11, 2025
Photo: Miguel Tanfelix at Ysabel - IG
Sa guesting ni Miguel Tanfelix at ng kanyang Mommy Grace sa Toni Talks (TT), ibinuking ng huli na ang first heartbreak ni Miguel ay si Barbie Forteza noong 14 years old pa lang siya. At talaga raw heartbroken at umiyak si Miguel nang sabihin kay Mommy Grace na break na sila ni Barbie.
After Barbie ay umibig muli si Miguel sa ilang Kapuso stars tulad nina Kyline Alcantara at Bianca Umali.
Mabilis namang naka-move on si Miguel sa bawat kabiguan sa pag-ibig. Sa career siya nag-focus ng kanyang panahon.
Binibiro naman siya ng ilang kaibigan na “chickboy” o mahilig sa babae sa dami ng niligawan at naging GF.
Ngayon ay si Ysabel Ortega ang GF ni Miguel at naipakilala na niya ito sa kanyang mom.
Super proud si Mommy Grace sa anak niyang si Miguel, lumaki itong mabait at marespeto sa mga elders, hindi rin ito mahilig bumarkada.
Bata pa si Miguel, hilig na talaga ang umarte, kaya sumali noon sa StarStruck Kids ng GMA-7. Nahasa nang husto sa pag-arte si Miguel dahil nagsimula siya bilang isang child star. Halos sa GMA-7 na lumaki si Miguel Tanfelix at marami na siyang nilabasang serye.
Well, lead star ngayon si Miguel sa seryeng Mga Batang Riles (MBR). Mature na siya at palaban ang kanyang role. Kapag may mahihirap na stunts o fight scenes siyang gagawin sa serye ay binibigyan siya ng tips ni Ronnie Ricketts.
IPINAKILALA na ang mga housemates na kasama sa PBB Celebrity Collab Edition. Pero, maraming viewers ang dismayado dahil bakit daw karamihan sa mga pumasok na housemates ay hindi naman masasabing sikat na at isang celebrity. At paano at ano’ng basehan sa pagkakapili sa mga housemates?
Ang inaasahan ng mga viewers ay mga celebrities talaga ang makakapasok sa PBB Celebrity Collab. Ang partisipasyon ni Ivana Alawi ay panandalian lamang dahil guest celebrity lang siya sa reality show. Gayunpaman, okey sa mga viewers ang big surprise na partisipasyon ni Ivana Alawi sa PBB Celebrity Collab Edition kaso ang inaabangang mga personalidad sa show ay ‘yung may impact at gumawa ng ingay sa social media tulad nina Herlene Budol, Diwata atbp..
Well, bongga si Ashley Ortega dahil maganda ang magiging exposure niya sa PBB, ganoon din si Michael Sager.
Sinu-sino pa kaya ang Kapamilya stars na magge-guest sa PBB Celebrity Collab Edition pagkatapos ni Ivana Alawi? Posible kayang si Andrea Brillantes o si Maris Racal?
BONGGANG-BONGGA ang grand launching ng bagong girl group na Bodies: Next Gen na ginanap sa Great Eastern Hotel sa Quezon City last March 8.
Labingtatlong (13) kababaihan edad 18 pataas ang masuwerteng napili sa hanay ng mga applicants sa Search for Bodies: Next Gen audition. Nag-undergo sila ng training at hinasa sa pagsasayaw, pagkanta at sa pag-arte.
Nagkaroon din sila ng pagsasanay sa personality development. Ginastusan sila nang husto ng executive producer ng Premiere Water Plus Productions na si Maryneth Gamboa.
At ngayon, may mga naka-book na silang shows abroad.
Ang Bodies: Next Gen ay nagtataglay ng sariling karisma, ganda, talento at determinadong sumikat at magkaroon ng impact sa showbiz. Sila ang bagong girl group na handang pantayan ang kasikatan ng VIVA Hotbabes at Baywalk Beauties.
Makikilala ang Bodies: Next Gen bilang mga “BODI” at tatawagin sa pangalan nilang BODI Wen, BODI Chanel, BODI Amara, BODI Iris, BODI KZ, BODI Mycky, BODI Selena, BODI Jade, BODI Darra, BODI Kesha, BODI Sherie, BODI Dior at Bodi Tia.
One of these days, mapapanood na ang Bodies: Next Gen sa kanilang guestings sa iba’t ibang TV shows.









Comments