Michelle, pinatigil na si Enzo sa paghuhubad
- BULGAR
- Jun 22, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel @Entertainment News | June 22, 2024

Ibinahagi ng aktres na si Michelle Vito na natatakot siya noon sa mga ginagawang pagpapa-sexy ng kanyang boyfriend na si Enzo Pineda sa mga nakukuhang proyekto.
“Siguro sa akin, Tito Boy, nakita ko naman na nagawa na niya 'yun, ng lahat ng mga gusto niyang gawin. Natatakot lang kasi ako na ma-typecast siya, na roon lagi ang mga offers,” ani Michelle sa Fast Talk with Boy Abunda.
“Kasi naririnig ko nagawa na niya ito tapos biglang may offer ulit sa kanya. Sabi ko, baka nata-typecast ka na. So, no more,” dagdag pa niya.
Inamin naman ni Enzo na may mga daring siyang pagpapa-sexy at mga love scenes.
“'Yung sexy na 'yun was a bit daring than what we define as sexy. But probably because Tito Boy I was very explorative that time as an actor,” pahayag ni Enzo.
Idinagdag pa ni Enzo na may mga kasamang nudity ang kanyang pagpapa-sexy.
“As an actor, you won't consider yourself as an actor if hindi ka open sa mga ganu'ng klaseng roles or projects. At least you need to experience, for me, at least once. Because that's what acting is all about, it's all about exploring life," sabi ng aktor.
Kabilang sa mga sexy projects na ginawa ni Enzo ang “Malamaya,” isang Cinemalaya 2019 film kung saan kasama niya si Sunshine Cruz. Bumida rin si Enzo sa barkada comedy movie ng Viva Films at Feast Productions na Call Me Papi.
Noong 2020, kinumpirma ni Enzo ang relasyon niya kay Michelle.
Comments