top of page
Search
  • BULGAR

MICHELLE, NIREGALUHAN NI CHAVIT NG BRAND NEW LUXURY CAR

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 29, 2023



Dahil mabangung-mabango ngayon ang pangalan ni Michelle Dee at marami ang humahanga sa naging performance niya sa katatapos na Ms. Universe beauty pageant, marami ang nagsasabing dapat ay isama si Michelle sa action-pantaseryeng Sangre: The Encantadia Chronicles.


Puwedeng-puwede raw ang porma ni Michelle Dee sa mga action scenes at babagay na maging isang Sangre.


Isang Air Force reservist si Michelle at nakapasa sa training kaya puwedeng sumabak sa bakbakan. Babagay din kay MMD ang mag-host ng show dahil smart ito at may kumpiyansa sa sarili.


Sa dami ng sumuporta at nakisimpatya kay Michelle Dee, hindi masasabing isa siyang talunan at “Thank You, Girl”. Dumagsa ang offers sa kanya ngayon at maging ang dating franchise owner ng Ms. Universe na si Chavit Singson na isang matagumpay na negosyante ay na-impressed din kay Michelle Dee. Kaya naman, niregaluhan niya si MMD ng isang brand new luxury car.


Labis ang pasasalamat ni Michelle Dee sa lahat ng kababayan natin na nagbigay sa kanya ng moral support.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page