top of page
Gary V. - IG.jpg

Michelle, iniwan ang dyowa para sa career

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 7, 2024
1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 7, 2024




Napuno ng tawanan ang noontime show na "It's Showtime" dahil nakipagkulitan ang mag-inang Melanie Marquez at Michelle Dee sa kanilang segment na ‘EXpecially For You.’


Nausisa rin ni Vice Ganda ang Pinay beauty queen na si Michelle kung ano ang pinakamasakit na naranasan nito dahil sa pag-ibig.


Pagbabahagi ni Michelle, may naging dyowa raw siya bago pasukin ang pagiging beauty queen na inakala niyang kanyang magiging ‘endgame.’


Naudlot daw ang kanilang perfect story matapos siyang papiliin ng dating partner kung career ba o relasyon nila ang gustong bigyan ng atensyon ni Michelle.


Nalungkot man ang madlang pipol sa ibinahaging kwento ni Michelle, very young at pretty naman daw ang aktres kaya hindi ito dapat magmadali pagdating sa paghahanap ng kanyang makakasama sa buhay.


Naging kuwela rin ang naging guesting ng mag-ina dahil talagang sumasabay ang dalawa sa kulitan ng mga hosts at sa mga biro ni Vice Ganda.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page