Michelle, ‘di pinalad manalo sa Miss U… GLORIA: ‘DI SAPAT ANG GANDA AT TALINO LANG
- BULGAR
- Nov 21, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 21, 2023

Marami ang nag-react at dismayado sa pagkakalaglag ni Michelle Dee sa Top 5 sa ginanap na 72nd Ms. Universe sa El Salvador last Sunday. Bagama’t pumasok siya sa Top 10, hindi raw ‘yun sapat para sa mga supporters ni MD, lalo na’t ginawa naman ni Michelle ang lahat upang paghandaan ang kanyang paglahok sa Ms. Universe 2023.
Maging ang buong LGBTQIA+ community ay nagpoprotesta sa pagkatalo ni Michelle.
Kinukuwestiyon nga ng marami kung bakit hindi man lang ini-announce sa Ms. Universe na nanalo si MD ng tatlong special awards.
At maging ang dating Ms. Universe 2015 na si Pia Wurtzbach at si Rhian Ramos ay suportado si Michelle Dee.
May ilang grupo ng ampalaya observers ang nagsasabing “chapter” daw kasi ang mga damit na isinuot ni MD kaya siya nalaglag at hindi pumasok sa Top 5 ng Ms. Universe. Todo ang lait ng mga bashers sa isinuot ni Michelle na national costume na ang peg ay mala-Transformer kaya hindi nagustuhan ng mga judges.
Pati na ang black long gown ni Michelle ay hindi rin daw impressive ang dating kaya hindi siya lumutang nang rumampa.
Well, bago pa ginanap ang 72nd Ms. Universe, may naging pahayag na si Gloria Diaz (1969 Ms. Universe) na 50-50 ang chance ni Michelle Dee na manalo. Hindi lang daw kasi ganda at talino ang dapat na taglayin ng isang kandidata. Kailangan na may dala ring suwerte tulad noon ni Ms. Gloria Diaz.
At kung sadyang destiny na ang manalo si Michelle, magaganap ‘yun kung sadyang para sa kanya ang korona.





Comments