top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Michael V., nagpositibo uli sa test sa COVID-19

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 23, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | July 23, 2022




Nagpositibo ulit sa test sa COVID-19 si Michael V. sa ikalawang pagkakataon.


Nag-share ang Kapuso actor ng update ng kanyang kondisyon ngayong Sabado.


“Nakatanggap ako ng notification from my old friend, COVID,” post niya sa Instagram.


“Matagal na kaming hindi nagkikita. Actually, sinabihan ko na s’ya na ’wag nang bumalik pero eto na naman s’ya… magha-‘HI’ lang daw at magpapaalala na nandito lang s’ya sa tabi-tabi. Hindi naman daw talaga s’ya umalis, palipat-lipat lang s’ya ng bahay,” ani Michael V.


Ayon kay Bitoy, tawag din kay Michael V., ang COVID-19 ay muling nakaapekto sa kanyang trabaho, pamilya, at komunidad. “Pati asawa ko dinamay pa!” sabi niya.


“Pero hindi ko naman s’ya masisi! Kasi hindi rin naman s’ya nagkulang ng paalala.


Talagang matitigas lang ang ulo ng mga tao minsan,” dagdag ni Bitoy.


“Kaya COVID, eto ang message ko sa ’yo: Hindi ka pa rin welcome sa bahay. Pero salamat na rin sa dalaw. Hayaan mo… kahit bad trip ako sa ’yo, hinding-hindi kita makakalimutan.”


Unang nagpositibo sa test sa COVID-19 si Bitoy noong 2020. Nai-share niya noon sa isang vlog na nakaranas siya ng flu-like symptoms at nawalan din ng pang-amoy at panlasa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page