MICHAEL V., EXCITED NANG MAKASAMA SI VICE SA BUBBLE GANG
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 7, 2023

Magbabagong-bihis na ang longest-running gag show na Bubble Gang simula next week sa bago nitong araw at oras ng pag-ere.
Mapapanood na ang nasabing gag show tuwing Linggo nang gabi, 6 PM sa GMA-7. May audience na rin ang show at konti na lang ang cast.
Ang mga naiwan na lang sa BG ay sina Michael V., Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, Kokoy de Santos, Chariz Solomon, Valeen Montenegro, Edgar Allan Guzman at Analyn Barro.
Nilinaw naman ni Michael V. na wala siyang kinalaman kung sinu-sino ang mga nalaglag sa nasabing gag show dahil creative director lang siya nito at ang pamunuan pa rin ng GMA Network ang may final decision at namili kung sinu-sino ang mga mananatili sa cast ng BG. Ikinalulungkot din ni Michael V. na hindi na makakasama sa nasabing gag show ang mga artistang matagal na nilang nakatrabaho.
Magkakaroon na lang ng mga guest celebrities sa bawat episode ng BG. May mga bagong segments din na mapapanood dito.
Excited si Michael V. sa guesting ni Vice Ganda sa nasabing gag show. May naisip na siyang sketch na puwede nilang gawin.
Ang gusto ni Michael V. ay gawin nila ni Vice ang sikat na character sa BG na si Mr. Assimo.





Comments