MICHAEL V., AYAW NANG SUMABAY SA DINNER NG CAST NG BUBBLE GANG
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | June 18, 2022

Ibang-iba ang ambiance ng set ngayon ng sitcom na Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento. Binago na rin ang kanilang location dahil sa probinsiya na nagdesisyong tumira ang Manaloto Family.
New environment at fresh stories ang PM. Kaya naman, masiglang-masigla ang buong cast sa tuwing sila ay nagteteyping.
At maging si Elsa (Manilyn Reynes) ay join sa TikTok nina Chito (Jake Vargas) at Clarissa (Angel Satsumi) kapag break sa teyping.
At si Michael V., kahit nadoble ang kanyang trabaho sa Pepito Manaloto Book 3 bilang talent/ director/writer ay enjoy sa kanyang ginagawa.
Hindi nga lang siya sumasama sa dinner break at hindi sumasabay kumain sa cast ng PM. Naaalala raw kasi ni Michael V. ang yumao nilang direktor na si Bert de Leon.
Noong buhay pa si Direk Bert, ang dinner break ang pinaka-bonding ng buong cast ng PM. Pero ngayong wala na ito, hindi pa ganap na matanggap ni Bitoy na hindi na nila ito makakasama at makakakuwentuhan.
Kaya mas ginusto na lang ni Michael V.na huwag sumabay sa dinner break dahil malulungkot lang siya.





Comments