top of page
Tom Rodriguez at Sam Milby - IG.jpg

MICHAEL V., APRUB NA KAPALIT NI DINGDONG

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
3 min read

by Janiz Navida @Showbiz Special | September 17, 2026



Michael V.

Photo: Kathryn Bernardo - The Aivee Clinic / IG



Out na muna sa kanyang most-watched game show sa GMA-7 na Family Feud si Dingdong Dantes at papalitan siya ng Kapuso host-comedian na si Michael V.!


Ginulat nga ni Dingdong ang mga regular viewers ng FF sa kanyang announcement kahapon (Sept. 16) na pansamantala siyang magpapahinga sa game show para mas matutukan ang mga action scenes niya sa gabi-gabi rin niyang TV series na The Master Cutter, na marami rin ang sumusubaybay kaya lalong nai-inspire ang aktor-host na mas pagandahin pa ito.


Aprub na aprub naman kay Double D ang idol niyang si Bitoy para pansamantalang pumalit sa kanya bilang host ng FF


And for sure, kahit idaan sa survey, si Michael V. din naman ang magiging first choice ng mga Kapuso viewers para maging substitute host sa Family Feud


Today (Thursday) na ang unang pagsalang ni Michael V. sa FF kaya excited na rin ang maraming viewers ng game show kung anong atake naman ang gagawin ng TV host-comedian sa pagho-host.





Nag-retire man sa basketball… 

CHRIS TIU, MAY SARILI NANG 7-HECTARE RESORT SPA-FARM HOUSE



NANG mag-retire sa PBA ang basketball player-cum TV host ng IBilib sa GMA-7 na si Chris Tiu, nag-focus pala ito sa pagtatayo ng negosyo katuwang ang misis niyang si Clarisse Ong.


Last Tuesday, naimbitahan kami ni Chris through Tito Lhar Santiago and Tito Lito Mañago sa kanyang 7-hectare resort spa and farmhouse sa Angat, Bulacan na pinangalanan nilang Casa Ka Mari.


Ang lawak ng lugar na bukod sa swimming pool at modern traditional rooms na swak sa bonding ng buong pamilya, barkada o company outing-team building, meron ding organic farm ng mga gulay, at may mga farm animals din.


Kuwento ni Chris sa kanyang opening remarks sa launching ng Casa Ka Mari, kung saan special guests niya ang vice-governor ng Bulacan na si VG Alex Castro at ang good friend niyang si Mike Lee na founder-managing partner niya sa isa pa niyang negosyo na Amadi Pharma, Inc., una nilang nabili ng asawa ang 5,000 square meter lot na parte ng Gawad Kalinga property para gawin lang sanang private resort o rest house.


Pero dahil nagustuhan ng mag-asawa ang climate sa Angat, Bulacan, bukod sa mataas na lugar ito at hindi binabaha, tahimik at ang ganda ng view na kita ang bundok ng Sierra Madre, nang makilala raw niya ang owner ng katabing farm ng nabiling property na si Mr. Nick Perlas, na-inspire siya sa organic farming lalo’t na-realize niya na importante ang health and wellness habang nagkakaedad sila.


At nang mamatay si Mr. Perlas last year, wala na raw ibang gustong magmana ng farm nito kaya naisip ni Chris na bilhin ang property at siya na nga ang nagtuloy ng organic farming nito.


Mahigit one year pa lang ang Casa Ka Mari pero open na raw ito sa public. In fact, dito raw ginanap ang bachelorette party ni Shaira Diaz bago ikinasal kay Edgar Allan Guzman.


Maraming activities na puwedeng gawin sa Casa Ka Mari kaya tiyak na mag-e-enjoy ang mga magpapa-book ng stay dito, lalo na kung ang gusto ay katahimikan sa ingay ng siyudad. Isang oras at kalahati lang ang biyahe from Metro Manila kaya hindi nakakapagod.


Marami pa raw planong ilagay si Chris sa Casa Ka Mari kaya tuloy pa rin ang development nito. Nag-suggest nga kami na lagyan niya ng zoo for more attraction, pero aniya, ayaw niyang makulong ang mga animals kaya mas gusto niyang farm na lang.


Sa chikahan namin kay Chris, naipakuwento namin ang tahimik niyang love life at marriage. 


Aniya, high school sweetheart pala niya ang kanyang misis na si Clarisse Ong. First BF-GF nila ang isa’t isa at kahit naging on and off ang relationship nila, sila pa rin ang nagkatuluyan at wala raw siyang ibang naging karelasyon bukod dito.

And what’s more surprising, chika sa amin ng someone close to Chris, they chose to stay virgin until they got married!


Oh, ‘di ba? May ganu’n pa pala? Bongga! Sana all! 


Samantala, kaya inimbitahan ni Chris si VG Alex sa naturang launch ng Casa Ka Mari ay para makatulong ang local government ng Bulacan sa pagpo-promote ng resort-farm house niya.


Aminado kasi si Chris na may mga kalsada pa patungo sa Casa Ka Mari na kailangang masementuhan at ‘pag naayos ‘yun, baka magulat na lang tayo, parang mga kabute na ring nagsulputan ang mga bahay at business establishments malapit sa kanyang farmhouse.


Nangako naman ng aksiyon ang vice-governor ng Bulacan na matunog na papalit kay Gov. Daniel Fernando sa next election. Wala pa raw itong confirmation sabi ni VG Alex, pero naniniwala siyang kung siya nga ang mapipili ay handa na rin naman siya base sa dalawang termino niya bilang vice-governor.


Well, sana nga ay aksiyon muna para ‘pag kumandidato siyang governor ay may dagdag siyang maibibida sa kanyang portfolio. 

Tama ba, VG Alex Castro?!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page