Miado at Loman, tagumpay Zamboanga nabigo sa ONE X
ni MC - @Sports | March 28, 2022

Tilanabitin ang fans sa ending ng inaasahan sanang epikong labanan sa pagitan ng Pinoy strikers na sina Lito Adiwang dahil nagtamo ito ng injury habang kasagupa si Jeremy Miado sa ONE:X noong Sabado ng gabi sa Singapore Indoor Stadium.
Eksplosibo pa naman ang simula ni Adiwang, paulit-ulit na nagbibitaw ng patama at sipa. Habang naghahanap ng tiyempo si Miado magkamali si Adiwang bago pakawalan ang malupit na counter.
Pero sa kalagitnaan ng round 2 kahit wala namang nakabitaw ng upak, biglang bagsak si Adiwang at nagsisigaw sa sakit. Kagyat na ipinatigil ng referee ang contest at ibigay kay Miado ang technical knockout victor at umibayo ang record sa 11-4 habang lagpak si Adiwang, 13-5.
Sa iba pang laban umiskor si dating Brave CF bantamweight champion Stephen Loman ng ikalawang panalo sa ONE cage sa bisa ng unanimous decision kontra Shoko Sato ng Japan.
Mistulang striking chess match ang bakbakan sa opening rounds dahil sa palitan ng mabibigat na upakan at sipa. Nadomina ni Loman ang tempo at hinintay na mapadapo ang kaliwang suntok.
Pagdating sa round 2, doon na nagbitaw ng sunud-sunod na suntok ang Team Lakay stalwart bago nakaiskor ng takedown.
Inulit ni Ham Seo Hee ng South Korea ang panalo laban kay Denice Zamboanga sa kanilang rematch. Nakulimbat ni Ham ang unanimous decision win kontra Zamboanga na natalo rin noong una via controversial verdict sa ONE Women's Atomweight Grand Prix ng nakaraang ilang buwan.
Maganda na sana ang 1st round ni Zamboanga at panay big shots ang patama niya pero nabigo siya sa huli.





Comments