top of page
Search
BULGAR

Mga TV network, dapat ibinibida mga atletang may pagmamahal at hindi nagtatakwil sa pamilya

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 13, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

SA PAMUMUNO NI SEC. REX GATCHALIAN, NAGING MAHUSAY ANG DSWD SA PAGLILINGKOD SA MAMAMAYAN -- Inanunsiyo ng Dept. of Social Welfare and Development (DSWD) na puwede nang gamitin pambili ng gamot sa mga botika ang mga iniisyung GL (guarantee letter) ng kagawaran sa mga mahihirap na Pinoy sa bansa.


Malaking tulong ito sa mga maralitang Pinoy at ngayon lang nangyari ‘yan na ibig sabihin, ganyan kahusay ngayon ang DSWD sa paglilingkod sa mamamayan mula nang pamunuan ni Sec. Rex Gatchalian ang departamentong ito, mabuti naman!


XXX


NASA 15 LOCAL REGISTRARS ANG SANGKOT SA ANOMALYA, AT SA RAMI NIYAN TIYAK MARAMI RIN ANG MGA FOREIGN NATIONAL NA NAGPAPANGGAP NA PINOY -- Sa pagdinig sa Senado ay ibinulgar ng Philippine Statistics Authority (PSA) na 15 mga local registrar ang sangkot sa anomalya sa pag-iisyu ng birth certificates sa mga dayuhan sa Pilipinas.


Nakupo! Eh sa rami niyan na dawit na mga local registrar ay parang sinabi na rin ng PSA na sangkaterbang foreign nationals ang mga nagpapanggap na mga Filipino citizen sa ‘Pinas kahit wala naman silang ga-patak na dugong Pinoy, tsk!


XXX


P20 PER KILONG BIGAS ANG GUSTO NG MAMAMAYAN, HINDI P45 -- Ibinida ng Dept. of Agriculture (DA) na may mabibili na raw ngayon sa merkado ng bigas na P45 ang per kilo.


Hay naku, hindi naman ‘yang P45 bigas ang hinihintay ng mamamayan na mabili sa mga pamilihan, kundi ‘yung promise ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na P20 per kilo ng bigas, kasi sa totoo lang iyang P45 per kilo ay mahal pa rin ‘yan sa mga maralitang Pinoy, boom!


XXX


MALING IBINIBIDA PA NG MGA TV NETWORK ANG TULAD NI CARLOS YULO NA NAGTAKWIL SA KANYANG PAMILYA -- Sabi nina Olympic bronze medalist Nesthy Petecio at Aira Villegas na ang mga biyayang kanilang natanggap ay may mga bahagi silang ibibigay sa kanilang mga magulang at kapatid bilang pagpapakita na mahalaga sa kanila ang kanilang mga pamilya. Kabaligtaran naman ito kay Olympic double gold medalist Carlos Yulo na nagtakwil sa kanyang pamilya, at kung titingnan ang mga post ng dyowa nitong si Chloe ay lumalabas na ito (Chloe) lang ang nakikinabang sa mga biyayang natanggap ni Caloy.


Ang nais nating ipunto rito, dapat ang ibinibida ng mga TV network sa kanilang mga programa ay tulad nina Nesthy at Aira na parehong may pagpapahalaga sa kanilang pamilya, at hindi si Caloy na nagtakwil sa kanyang mga magulang at mga kapatid, period!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page